Return to the talk Return to talk

Transcript

Select language

Translated by SIXTO RAMIREZ
Reviewed by Schubert Malbas

0:11 Narito tayo upang itanghal ang pakikiramay. Subalit ang pakikiramay, sa aking pakiwari, ay may problema. Mahalaga man ito sa ating mga tradisyon, at walang dudang nararamdaman natin ito sa ating araw-araw na pamumuhay, gaya nang alam ng marami sa atin, naging mali ang kahulugan ng katagang "pakikiramay" sa ating kultura, lalo sa larangan ng pamamahayag. Madalas ito'y pinupuri kahit hindi naman angkop, at minsa'y tinitingnan ito ng may kasamang lungkot. Si Karen Armstrong ay may sinabi na sa pakiwari ko'y isang napakabuluhang istorya nang siya'y nagbigay ng talumpati sa Holland at ang katagang "pakikiramay" ay isinalin na "pagkaawa".

0:48 Ngayon, sa mga balita, ang pakikiramay ay kadalasa'y mababasa sa mga tampok na lathala na hatid ay pampalubag-loob o hindi kaya'y ukol sa mga bayaning hindi kailanman mapaparisan o sa mga magagandang katapusan o mga halimbawa ng pagsasakripisyo na sana nga'y nagkakatotoo nang madalas. Ang likhang-isip ng ating kultura hinggil sa pakikiramay ay pinawalang-buhay ng mga idiyalistikong pag-iisip. Kaya, sa umagang ito, sa susunod na ilang mga sandali, ay gusto kong magsagawa ng isang muling pagbagon sa linguwistika. At inaasahan kong aayon kayo sa aking pangunahing batayan na ang mga salita ay mahalaga, na hinuhubog nito kung papaano natin inuunawa ang ating mga sarili, kung papaano natin nakikita ang kamunduhan at kung paano natin pinakikitunguhan ang ating kapwa.

1:30 Ang bayang ito, noong taong 1960, sa unang pagkakataon ay dumanas ng tunay na pagkakaiba, at ang pagtanggap sa iba ay naging ugat na kaugalian na ating titingnan ngayon. Ang salitang "pagtanggap", kung titingnan mo sa diksiyunaryo, ay katumbas ng "pagpayag", "pagbibigay" at "pagtitiis". Sa konteksto medikal na pinaghanguan nito, ito'y patungkol sa kung gaano katagal maaring mabuhay sa isang nakapipinsalang kapaligiran. Sa katunayan, ang pagtanggap ay hindi isang tunay na birtud. Sa halip, ito ay nasa utak lang. At dahil nasa utak ito napapagalaw nito ang ating kalamnan, ang puso, at asal kahit pa dumating ang maraming gulo. At totoong mas magulo na tayo ngayon. Sa aking pakiwari, kahit marahil hindi tuwirang matutukoy ito, nararanasan nating lahat na nandito ngayon dahil sa pagtanggap sa iba bilang tanging gabay-asal.

2:24 Ang pakikiramay ay isang karapat-dapat na kapalit. Nilalaman nito ang ating mga pananampalataya, ispiritwal, at etikal na paniniwala, at lalong higit pa sa mga ito. Ang pakikiramay ay isang salita sa bukabularyo na makapagpapabago sa atin kung hahayaan natin itong maging bahagi ng mga sukatan na ating pinanghahawakan para ating sarili at sa iba, sa ating pamumuhay maging pribado o sibiko. Papaano natin ito susukatin? Ano ang mga magkakaugnay at bumubuong bahagi nito? Ano ito sa kalawakan ng magkakaugnay na mga kagandahang-asal? Una, ang pakikiramay ay kabaitan. Ngayon, sa pandinig, tila baga ang kabaitan ay isang napakalumanay na kataga, at madali itong isipin na cliche. Subalit ang kabaitan ay pang-araw-araw na kakambal ng lahat ng kagandahang-asal. At ito'y isang matayog na uri na nagbibigay ng agad na kaluguran.

3:17 Ang pakikiramay ay ang pagiging curious. Linilinang at inuugali ng pakikiramay ang kuriosidad. Gusto ko ang kataga na binanggit sa akin ng dalawang kabataang babaeng "interfaith innovators" sa Los Angeles, sina Aziza Hasan at Malka Fenyvesi. Nagsusumikap silang lumikha ng bagong imahenasyon hinggil sa sama-samang pamumuhay ng mga Jews at mga Muslim, at tinawag nila itong "kuriosidad na walang pagpapalagay." Tunay ngang magiging punlaan ito ng pakikiramay.

3:46 Kaisa-ng-damdamin ay isa pang maaaring kahulugan ng pakikiramay. May mas mahirap na gawin na maisasama dito: ang pagpapatawad at pakikipagkasundo, ngunit maari din na ang ibig sabihin ay ang pagdalo at pakikipagkita ng personal. kaugnay rin mga praktikal na magagandang-asal tulad ng pagkabukas-palad at mabuting pakikitungo at sa simpleng pakikiharap lamang, at sa pagpapakita sa ating mga kaibigan. Pakiwari ko'y ang pakikiramay ay iniuugnay din sa kagandahan -- at ang ibig kong sabihin ay ang pagkukusang pagpansin sa kagandahan ng iba, dahil higit pa ito sa pagbibigay tulong lang. Natutuwa ako na ang aking mga nakakadiskurso na mga Muslim ay madalas banggitin ang kagandahan-asal bilang isang moral na birtud. Sa ganitong pagkaunawa, para sa mga relihiyoso, inaakay tayo ng pakikiramay sa lugar ng misteryo -- hinihimok tayong masdan hindi lamang ang kagandahan, ngunit pati na rin ang mukha ng Diyos sa sandali ng pighati, sa mukha ng di-kakilala, sa mukha ng mga maka-relihiyoso.

4:52 Hindi ko tiyak na maipakikita ko sa inyo kung ano ang kamukha ng pakikibagay subalit maipakikita ko sa inyo kung ano ang kamukha ng pakikiramay -- sapagka't ito ay nakikita. Kapag nakikita natin ito, makikilala natin ito at binabago nito ang ating pagtingin sa bagay na maaring gawin, mga bagay na posible. Lubhang mahalaga na kapag nagsasabi tayo ng mga mga malalaking ideya -- lalo na ba't ang malaking espiritwal na ideya tulad ng pakikiramay -- na habang inuulat natin ito sa iba'y inuugat natin ito sa lugar, panahon at sa katawa't dugo -- ang kulay at gusot ng buhay.

5:22 Layon ng pakikiramay ang gawaing pisikal. Natutunan ko ito mula kay Matthew Sanford. Palagay ko'y hindi ninyo maiisip ito kung basta titingnan ninyo lamang itong litrato niya sapagkat hindi na siya nakakagalaw. Hindi na siya maaring gumalaw mula sa baywang pababa mula noong siya'y 13 gulang dahil sa isang banggaan ng kotse na ikinamatay ng kanyang ama at kapatid na babae. Hindi na mailakad ni Matthew ang kanyang mga paa, at hindi na siya muling makalalakad kailan man, at -- lagi niyang pinapamalas ang salitang "at" sa halip na "ngunit" -- at nararanasan niya ang kanyang sarili na pinagagaling at buong-buo. At bilang guro sa yoga, inilalahad niya ang karanasang iyon sa kaninuman: may kapansanan man o wala, sa malulusog, sa may sakit, at sa matatanda. Sinasabi niya na nagkataon lang na siya'y nasa dulo ng ating depinisyon tungkol sa buhay. Gumagawa siya ng mga kamangha-manghang bagay para sa mga beteranong galing Iraq at Afghanistan. Si Matthew ay may pambihirang obserbasyon na ikukuwento ko sa inyo. Hindi ko lubos na maipaliwanag ito, at maski na rin siya. Subalit sinasabi niya na hindi pa siya nakakakita ng tao na matapos matanto ang kahinaan ng kanyang katawa'y hindi rin naramdaman ang higit na pakikiramay sa iba.

6:37 Ito pa ang isang larawan ng pakikiramay: Siya si Jean Vanier. Itinatag ni Jean Vanier and L'Arche Communities, na matatagpuan niyo sa buong mundo, mga komunidad na binubuo ng mga taong may kapansanan sa utak -- at karamiha'y may Down syndrome. Ang komunidad na itinatag ni Jean Vanier, ay tulad niya, may lubos ang pagkamagiliw. "Magiliw" ay isang salita na nais kong bigyan pagpapahalaga. Sa kultura ngayon, maraming panahon ang ating ginugugol sa pagigiing agresibo at mapusok, at madalas ko rin ugali ito. Minsan ang pakikiramay ay nagiging agresibo din. Ngunit lagi tayong pinapaalalahanan na ang pakikiramay ay nakaugat sa pagiging magiliw. Sinasabi ni Jean Vanier na ang kanyang gawain, tulad ng gawain ng iba -- kanyang dakila't minamahal na kaibigan, na si Mother Teresa -- kailanman hindi hangad na baguhin ang mundo; sa katunayan, ito'y tungkol sa pagbabago ng ating mga sarili. Sinasabi niya na ang ginagawa nila sa L'Arche ay hindi isang solusyon, kundi isang palatandaan. Ang pakikiramay ay bihirang maging solusyon; ito'y paalala ng mas malalim na katotohanan, ng mas malalim na posibilidad para sa tao.

7:48 Naisisiwalat ang pakikiramay sa mas maraming tao sa pamamagitan ng mga paalala at kwento, at hindi sa statistika at estratehiya. Kailangan din natin ang mga bagay na iyon, ngunit madalas tayong nagkukulang. At samantalang ginagawa natin ito, sa tingin ko ay muli nating natutuklasan ang bisa ng istorya -- na bilang mga tao, kinakailangan natin ang mga kwento upang manatiling buhay, upang lumusog, upang magbago. Laman ito ng ating mga tradisyon, at dahil dito, nakaugat na ang mga kwento sa ating lahi at nakarating sa panahon ngayon. Sa katuna'y may isang istorya hinggil sa pangunahing mithiin at batas ng Judaism na gawing tuwid ang kamunduhan -- ang tikkun olam.

8:34 Hindi ko malilimutan ang istoryang ito na narinig ko mula kay Dr. Rachel Naomi Remen, na nagmula pa sa kanyang lolo, tungkol sa mga pangyayari noong unang araw ng Paglikha: ang pinakaunang liwanag ng santinakpan ay nadurog sa di mabilang na mga piraso. Iyon ay bumaon na animo'y mga bubog sa bawat anyo ng Nilikha. At ang pinakamataas na layunin ng tao ay hanapin ang liwanag na ito, at matapos matuklasa'y ituro ito, pulutin ito, at sa ganoong paraa'y maisasayos ang mundo. Maari mong isiping isa itong napakamalikhaing kuwento. Marahil ganito rin ang pananaw ng ilan sa aking kapwa-mamahayag. Sinasabi ni Rachel Naomi Remen na ito ay isang kwento na mahalaga at mabisa para sa ating panahon, sapagka't ang kwentong ito'y may binibigyan-diin: na ganoon ma't bawat isa sa atin ay maaaring may kahinaan at kapintasan, at maaring sa pakiwari'y may kakulangan, ito mismo ang kailangan upang makatulong tayo sa maliit na bahagi ng mundo na ating nakikita at nadadama.

9:32 Ang mga kwentong tulad nito, ang mga paalala tulad nito ay mga praktikal na paraaan sa mundong nagmimithing maghatid ng pakikiramay sa napakaraming paghihirap na maaring gumupo sa atin. Sa katunayan, ibinabalik ni Rachel Naomi Remen ang pakikiramay sa dati nitong lugar kaagapay ng agham sa kanyang larangan ng medisina sa paghubog ng mga bagong doktor. Itong kalakaran ng mga ginagawa ni Rachel Naomi, itong paglalagay ng iba't-ibang kagandahang-asal sa bokabularyo ng medisina -- ang mga ginagawa ni Fred Luskin -- sa aking palagay, ay isa sa mga bukod-tanging pag-unlad ng ika-21 siglo -- na hinugot ng siyensa ang isang birtud tulad ng pakikiramay mula sa larangan ng idiyalismo. Sa aking paniniwala, babaguhin nito ang agham, at babaguhin nito ang relihiyon.

10:27 Subalit may isang tao mula sa siyensa ng ika-20 siglo na maaaring ikagulat niyo ukol sa ating diskuyson hinggil sa pakikiramay. Alam nating lahat ang tungkol kay Albert Eistein na binuo ang E=mc2. Marahil hindi natin alam ang tungkol sa pag-iimbita ni Einstein kay Marian Anderson, isang African-American na opera singer, na tumira sa kanyang bahay nang siya'y dumating upang kumanta sa Princeton dahil ang pinakamagandang hotel noon ay segregated at bawal siya doon. Marahil hindi natin alam na ginamit ni Einstein ang kanyang pagiging sikat upang ipagtanggol ang mga nabilanggo sa Europe dahil sa pulitika o ang mga kabataang Scottsboro sa Katimugan.

11:04 Matindi ang paniniwala ni Einstein na higit pa sa pagkakaibang nasiyonal at etnikal ang layunin ng agham. Subalit kasama din niya ang mga physicists at chemists na naging susi ng paggawa ng armas ng mass destruction sa pagpasok ng ika-20 siglo. Minsa'y sinabi niya na ang agham noon ay tulad ng isang labaha sa kamay ng tatlong taong gulang. At nakinita ni Einstein na habang tayo'y nagiging mas moderno at umuunlad sa teknolohiya, kakailanganin natin ang kagandahaang-asal na hatid ng ating mga tradisyon ng mas madalas pa. Lagi din niyang nababanggit ang mga genius na pang-ispiritwal. Ilan sa kanyang mga paborito'y sina Moses, Hesus, Buddha, St. Francis of Assisi, Gandhi -- gustong-gusto niya si Gandhi, na kapanahunan niya. At sinabi ni Einstein -- sa tingin ko ito ay isang kataga, na hindi madalas iugnay sa kanya -- na "ang mga taong ito ay genius sa paraan ng pamumuhay, sila'y mas kailangan sa ikararangal, ikatitiwasay at ikaliligaya ng tao higit sa mga manunuklas ng karunungan."

12:11 Marahil, ang pagbanggit kay Einsten ay hindi ang pinakamainam na paraan upang ibalik sa mundo ang pakikiramay at gawin itong kaugalian bawat isa sa atin, ngunit, sa katunayan, ay pwede din naman. Nais kong ipakita sa inyo ang litratong ito, sapagkat ang litratong ito ay kawangis ng katagang "pakikiramay" sa ating kultura -- nililinis natin ito binabawasan natin ang mga lalim at sandigan nito sa buhay na magusot. Kaya, sa litratong ito makikita ninyo na mula sa bintana ay may minamasdan na tila baga isang katedral -- mali. Ito ang buong litrato, isang lalaking nakasuot ng leather jacket, hawak ang isang tabako. Sa hugis lamang ng malaking tiyang iyan, ay hindi sapat ang kanyang pag-yoyoga. Pinagtabi namin ang dalawang litratong ito sa aming website, at may nagsabi, "Kapag tinitingnan ko ang unang litrato, tinatanong ko ang aking sarili: Ano kaya ang iniisip niya? At kapag tinitingnan ko naman ang ikalawang litrato, tinatanong ko: Anong klaseng tao siya? Anong klaseng lalaki ito?"

13:06 Sa katunayan, komplikado siya: Labis ang kanyang pakikiramay sa ilan niyang mga kasamahan, ngunit kulang na kulang naman sa iba. Madalas nga naman na madamayin tayo sa mga taong pinakamalapit sa atin, dahil ganito ang isang mukha ng pakikiramay, na hindi kanais-nais, na marapat bigyan ng ating atensiyon at liwanag. Si Gandhi man ay isang taong may kapintasan. Gayon din si Martin Luther King Jr. Gayon din si Dorothy Day. Gayon din si Mother Teresa. Gayon din tayong lahat. At ang gusto kong sabihi'y nakakaluwag ng damdamin na matanto na ang kapintasan ay hindi hadlang sa pakikiramay -- ayon nga sa sinabi ni Fred Luskin -- ang mga kapintasang ito ang bumubuo sa ating pagkatao.

13:54 Walang inaatupag ang ating lahi kundi ang pagiging perpekto at ang pagtatago ng mga suliranin. Subalit, nakakaluwag sa damdaming malaman na sa katunayan, ang mga problemang ito ang magsisilbing pinakamasaganang bukal ng pagdadamayan at pakikiramay: ang pagdulot ng kagandahang-asal sa mga bawat nagdurusa at nagsasaya. Si Rachel Naomi Remen ay naging mas mabuting doktor dahil sa kanyang dinadalang Crohn's disease. Naging makatao si Einstein, hindi dahil sa kaniyang pambihirang karunungan sa aspetong materyal, panahon, at lugar, ngunit dahil siya ay isang Hudyo sa panahong naging malupit ang Alemanya. At kay Karen Armstrong, sa tingin ko na ilan sa iyong mapapait na karanasan sa buhay pananampalataya, na wari'y palihis, ang nag-akay sa iyo tungo sa Charter for Compassion. Ang pakikiramay ay hindi tulad ng kabanalan at lalong hindi katumbas ng pagkamaawain.

14:51 Kaya, nais kong imungkahi ang huling kahulugan ng pakikiramay -- na hango kay Einstein at Paul Robeson -- na ang pakikiramay ay isang "teknolohiyang ispiritwal". Ngayon, ang ating mga tradisyon ay naglalaman ng malawig na karunungan hinggil dito, at marapat lamang na hukayin natin ito ngayon. Ang pakikiramay ay magkatulad sa aspetong sekular o relihisoyo man.

15:18 Kaya't isasalin ko ang sinabi ni Einstein na kailangan ng sangkatauhan, at ng kinabukasan ng sangkatauhan, ang ganitong teknolohiya gaya ng pangangailan natin sa ibang mga bagay na nag-uugnay sa ating lahat at nagpapaalala sa atin ang nakatatakot subalit kahanga-hangang posibilidad na tayo ay iisang lahi ng sangkatauhan.

15:39 Salamat.

15:41 (Palakpakan)