New talks are released daily. Be the first to know!
You either have JavaScript turned off or have an old version of the Adobe Flash Player. To view this video you
need to get the latest Flash player.
If you are on a mobile device, you may be able to download the video to play.
If your browser allows only "trusted sites" to execute Javascript, you should add the "googleapis.com" domain to your whitelist to allow our Flash detection to work properly.
TED Conversations
Got an idea, question, or debate inspired by this talk? Start a TED Conversation, or join one of these:
-
How does one decide to chase a dream?
Started by Michael South 3 Comments -
What is the best advice you received in your life?
Started by Vlad Fiscutean 73 Comments -
If you could teach the world 1 valuable thing you learned, what would it be and why?
Started by Mike L 307 Comments -
What is the best advice you've ever received?
Started by Tarek Seif el nasr 14 Comments -
What advice would you give for someone's first week in their new job?
Started by Tarek Seif el nasr 10 Comments
Interactive Transcript
Click on any phrase to play the video from that point.
Madalas ay dalawang oras ang haba ng presentasyon na ito pag ibinigay ko sa mga mag-aaral ng high school pinaikli ko ito sa tatlong minuto lang. Nagsimula ang lahat habang ako'y nasa eroplano papuntang TED pitong taon na ang nakalilipas. At nakaupo sa tabi ko ay isang mag-aaral ng high school, isang teenager at mula siya sa isang talagang mahirap na pamilya. Nais niyang maging makabuluhan ang buhay niya, kaya't tinanong niya ako. Sabi niya, "Ano ang kailangan ko gawin para magtagumpay sa buhay? At sumama ang loob ko, dahil wala akong mahusay na sagot na maibibigay sa kanya. Kaya sa pagbaba ko mula sa eroplano, at pagpunta ko sa TED, naisip ko, onga pala, ako'y napaliligiran ng mga taong nagtagumpay na sa buhay! Bakit hindi ko kaya sila tanungin kung ano ang nakatulong sa kanilang pagtagumpay, at ituro ito sa kabataan? So narito tayo, pagkatapos ng pitong taon at limang daan na interview, at sasabihin ko sa inyo kung ano ang patungo sa tagumpay at kung ano ang nagpapatakbo sa mga TED-sters. Ang pinakauna ay ang pusok ng damdamin. Sabi ni Freeman Thomas, "Pinatatakbo ako ng pusok ng aking damdamin." Nagpapatuloy ang mga TED-sters sa ginagawa nila dahil sa pagmamahal, hindi dahil sa pera. Sabi ni Carol Coletta, "Handa akong bayaran ang taong kaya ang trabaho ko." At ang pinakanakatatawag pansin ay, kung ginawa mo ang isang bagay dahil mahal mo ito, darating din ang pera. Sipag! Sabi ni Rupert Murdoch sa akin, "Puro sipag ang kailangan." Walang madali. Pero nasisiyahan ako. Sinabi niya bang nasisiyahan? Rupert? Oo! Nasisiyahan ang mga TED-sters sa trabaho nila. At masipag sila. Naisip ko, hindi sila lulong sa pagtrabaho, pinaghahalo nila ang trabaho at laro Okey! "Kung gusto mong magtagumpay, pag-igihan mo ang pansin sa isang bagay at sobrang galingan mo." Walang magik, puro ensayo, ensayo, ensayo. At mahalaga rin ang pokus. Sabi ni Norman Jewison sa akin, "Kailangangang i-pokus mo ang sarili mo sa isang bagay." At magsumikap! Sabi ni David Gallo, "Magsumikap ka sa pisikal at mental na aspeto, kailangangang magsumikap, magsumikap, magsumikap." Kailangan lamapasan mo ang pagkamahiyain at pagduda sa sarili. Sabi ni Goldie Hawn. "Lagi akong may pag-aalinlangan. Hindi sapat ang galing ko, hindi sapat ang talino ko. Hindi ko inakalang kakayanin ko." Hindi laging madaling magsumikap, kaya naimbento ang mga nanay. (Tawanan) Frank Gehry – Sabi ni Frank Gehry sa akin, "Tinulak ako ng nanay ko." Magsilbi! Sabi ni Sherwin Nulang, "Isang pribilehiyo ang magsilbi bilang duktor." Ngayon, marami sa kabataan ang nagsasabi sa akin na nais nila maging milyonaryo. At ang unang sinasabi ko sa kanila ay, OK, hindi mo maaring pagsilbihan ang sarili mo, kailangan may halaga kang maibahagi sa iba. Sa ganoong paraan yumayaman ang tao." Mga ideya. Sabi ni TED-ster Bill Gates, "Nagkaroon ako ng ideya – ang pagtatag ng unang kumpanya ng micro-computer software.' Masasabi kong maganda ang ideya niya. at walang magik sa pagiging malikhain sa pag-iisip ng mga ideya, nasa paggawa ito ng mga simpleng bagay-bagay. At marami akong binibigay na katibayan. Magtiyaga. Sabi ni Joe Kraus, Ang pagtitiyaga ang unang dahilan ng aming tagumpay." Kailangan kang magtiyaga kahit na mabigo. Kailangan magtiyaga para malampasan ang hirap! Ibig sabihin "Pagpuna, Pagtanggi, mga Gago at Pighati." (Tawanan) Kaya, simple lang ang sagot sa tanong na ito: Magbayad ng apat na libong dolyar at pumunta sa TED. O, kung hindi maaari, gawin ang walong bagay – at maniwala ka, ito ang walong malaking mga bagay na tutungo sa tagumpay. Maraming salamat mga TED-sters para sa lahat ng inyong interview!
About The Speaker
A self-described average guy who found success doing what he loved, Richard St. John spent more than a decade researching the lessons of success -- and distilling them into 8 words, 3 minutes and one successful book.
Full bio and more links
About This Talk
Bakit nagtatagumpay ang mga tao? Dahil ba sa talino? O sa suwerte? Wala sa dalawa. Pinaikli ni Richard St. John ang produkto ng napakaraming interview sa isang di pwedeng palampasing tatlong minutong slideshow tungkol sa totoong sikreto ng tagumpay.
Translated into Tagalog by Johann Trinidad
Reviewed by chris s
Comments? Please email the translators above.

Email This



This comment will be attributed to . Not ? Sign out.