Follow TED
Be the first to know about new TEDTalks, TED news and other announcements.
Click on any phrase to play the video from that point.
Sa unang bahagi ng ika-20 siglo sangkaterbang sakuna ang inabot ng sangkatauhan, isang malaking gulo. Nangyari ang Unang Digmaang Pandaigdig, ang Great Depression, ang Ikalawang Digmaang Pangdaigdig, at ang pag-usbong ng mga komunistang bansa. At bawat isa sa mga ito, pinagwatak-watak at hinati ang mundo. At bumuo sila ng mga pader, mga bakod sa pulitika at kalakalan, bakod sa transportasyon, bakod sa komunikasyon, ang kurtinang bakal, na hinati ang mga tao at mga bansa.
Sa ikalawang bahagi lamang ng ika-20 siglo na tayo'y nagsimulang bumangon mula sa pagkakalugmok. Napabagsak natin ang harang sa kalakalan. Ito ay iilan sa mga datos ukol sa taripa: mula sa 40 porsyento, naging mas kaunti pa sa 5 porsyento. Nai-globalize ang mundo. Anong ibig sabihin nun? Ibig sabihin, umusbong ang kooperasyon ng mga bansa. Naging mas matulungin ang mundo. Nabuwag ang mga harang sa transportasyon. Noong 1950s lulan ng isang pangkaraniwang bapor ang 5,000 - 10,000 tonelada ng kagamitan. Ngayon ang isang container ship ay nagkakarga ng 150,000 tonelada. Mas kaunti ang kinakailangang tauhan, at mas mabilis nang magbaba ng kargamento. Ang mga harang sa komunikasyon, salamat sa internet, ay nabuwag na. At ang kurtinang bakal, ang mga bakod sa pulitika ay nabuwag na din.
Lahat ng ito ay naging mabuti para sa mundo. Umunlad ang kalakalan. Ito ang kaunting datos. Noong 1990, ang export mula Tsina papuntang Estados Unidos -- 15 bilyong dolyar. Noong 2007, higit sa 300 bilyong dolyar. At ang nakakamangha, noong simula ng ika-20 siglo, sa unang pagkakataon sa kasaysayan, umabot sa bawat sulok ng mundo ang pag-unlad. Nabanggit ko na ang Tsina, simula noong 1978, noong namatay ni Mao, ang pag-unlad -- 10 porsyento kada taon. Bawat taon, kamangha-mangha. Hindi pa natin naranasan ang ganito karaming tao na umangat mula sa kahirapan, gaya ng nangyayari sa Tsina ngayon. Ang Tsina ang may pinakamahusay na programa kontra kahirapan sa nakalipas na 3 dekada. Nahuli ng kaunti ang India, ngunit noong 1990, nagkaroon ng malaking pag-unlad. Noon, ang kita nila ay mas mababa sa 1,000 dolyar kada taon. Lumipas ang 18 taon at naging triple ito. May pag-unlad ng 6 porsyento bawat taon. Kamangha-mangha. Sa Aprika naman, ang bahagi ng Sub-Sahara ang katangi-tangi sa mundo na pinakamailap sa pag-asenso. At makikita natin ang trahedya ng Aprika sa mga datos dito. Naging negatibo ang pag-unlad. Mas naghirap pa ang mga anak kaysa sa mga magulang nila. At sa ibang lugar, mas mahirap pa kaysa sa mga lolo at lola nila. Ngunit, sa bandang dulo ng ika-20 siglo, sa simula ng ika-21 siglo, natunghayan natin ang pag-unlad ng Aprika. At sa tingin ko, may dahilan upang umasa. Dahil hindi pa dito nagtatapos ang kanilang pag-unlad. Bakit?
Dahil sa mga panahong ito mga bagong ideya ang nagtutulak ng pag-unlad. Partikular na sa mga produkto ng pananaliksik na pinagkakagastusan at nagiging mura kapag umabot na sa mga pabrika. Ang mga ganitong klase ng ideya ang nagtutulak sa pag-unlad. May ganitong kakahayan ang mga ideya. Sinabi ni Thomas Jefferson ito nang napakaganda. Wika niya, "Ang sinumang nakakatanggap ng ideya mula sa akin ay natututo, nang hindi nababawasan ang sa akin. Gaya nang sinumang nagsisindi ng kandila sa akin ay nakatatanggap ng liwanag nang hindi namamatay ang sa akin. O sa ibang pananalita, isang mansanas para sa iisang tao, ngunit ang isang ideya ay para sa buong mundo. Hindi na ito bago. Lalong hindi ito bago para sa mga TEDsters. Ito naman talaga ang ginagawa sa TED. Ang bago ay mas malaki na ngayon ang kontribusyon ng ideya sa pagtulak ng pag-unlad kaysa sa dati. Ito ang dahilan kung bakit ang kalakalan at globalisasyon ay mas mahalaga at mas makapangyarihan kaysa sa dati, at pinapabilis nito ang pag-unlad.
Upang maipaliwanag ko ito, may halimbawa ako. Kunwari may dalawang sakit. Isa sa kanila, bihira, at ang isa, pangkaraniwan. Pero, kung parehong hindi naagapan, nakamamatay. Kung mamimili ka, alin ang gusto mong magkaroon? Ang pangkaraniwan o ang kakaibang sakit? Iyong pangkaraniwan. Tingin ko tama yun. Bakit? Dahil mas maraming gamot para sa pangkaraniwang sakit kaysa sa kakaibang sakit. Dahil ito sa insentibo. Pareho lang ang gastos sa paggawa ng bagong gamot, kung ang gamot ay para sa 1,000 tao, o 100,000 tao, o isang milyong tao man. Ngunit mas malaki ang kikitain kung isang milyon ang bibili ng gamot. Kaya, mas malaki ang insentibo sa paggawa ng gamot para sa nakararami. Ibig sabihin, nakakasagip-buhay kapag maraming kustomer. Sa kasong ito maraming karamay ang kahirapan.
Ngayon, isipin ang sumusunod: kung ang Tsina at India ay kasing yaman ng Estados Unidos ngayon, ang kalakal para sa gamot laban kanser ay lalaki ng walong beses. Wala pa tayo doon, pero papunta na tayo. Habang yumayaman ang ibang bansa ang pangangailangan ng gamot ay tataas rin ng malaki. Ang ibig sabihin nito ay mas mataas ang insentibo sa pananaliksik, at makikinabang tayong lahat. Mas maraming kustomer, mas malaki ang insentibo na maglabas ng iba't ibang ideya. Ito ma'y software, o computer chip, o bagong disenyo. Para sa mga taga-Hollywood sa audience, ito ang dahilan kung bakit ang mga maaksyong pelikula ay mas malaking badyet kaysa sa komedya. Mas madaling naiintindihan ang aksyon kahit sa ibang kultura at ibang lengwahe. Mas malaki ang negosyo para sa mga ganitong pelikula. Handang mamuhunan nang malaki ang mga tao, at mas malaki ang badyet.
Kung malaki ang insentibong nalilikha kapag maraming kustomer upang bumuo ng bagong ideya, paano natin lulubusin ang insentibong ito? Ang sagot ay sa paglikha ng pandaigdigang merkado, sa pag-globalize ng mundo. Ganito lang iyan, isang ideya, mga ideya na dapat ibahagi, isang ideya para sa iisang mundo, iisang merkado. Isang ideya, isang mundo, isang merkado. Paano pa nga ba tayo lilikha ng bagong ideya? Iyon ay isang dahilan. Globalize, makipagkalakalan. Paano pa tayo lilikha ng bagong ideya? Well, dagdagan ang mga imbentor ng ideya. Mula sa iba't ibang sulok ang mga taong ito. Mga artista, innovators, marami sa mga taong nagsalita na sa entabladong ito. Tignan natin ang mga siyentipiko at inhinyero dahil may datos ako dito, at ako'y mahilig sa datos.
Mas kaunti pa sa 1/10th ng isang porsyento ng buong sangkatauhan ang mga siyentipiko at inhinyero. (Tawanan) Ang Estados Unidos ay nangunguna sa pag-iisip ng ideya. Malaking bahagi ng mga taong iyon ay nasa Estados Unidos. Ngunit papawala na ang pangunguna ng U.S. At dahil doon, ako'y nagpapasalamat. Mabuti iyon. Masuwerte tayo na hindi na tayo nangunguna sapagkat matagal na panahong ang Estados Unidos at iilang bansa lamang ang bumubuo ng buong bigat ng pananaliksik. Ngunit isipin ang sumusunod: kung ang buong mundo ay kasingyaman ng Estado Unidos ngayon higit pa sa limang beses ang dami ng siyentipiko at inhinyero na dadagdag ng ideyang pakikinabangan ng lahat, at paghahatian ng lahat. Naisip ko si Ramanujan, isang mahusay ng matematikong Indian. Ilang Ramanujans ang nasa India ngayon na nag-aararo sa kabukiran at naghihikahos, gayong maari nilang pakainin ang buong mundo? Wala pa tayo doon ngayon. Pero mangyayari iyon sa siglong ito. Ang trahedy ng nakaraang siglo ay: kung ang populasyon ng mundo ay isang higanteng kompyuter, isang malaking prosesor, ang trahedya ay yaong bilyon bilyong prosesor na hindi gumagana. Ngunit sa siglong ito, nagsisimula nang gumana ang Tsina. Gumagana na din ang India. Tumatakbo na din ang Afrika. Makakakita tayo ng Einstein ng Afrika sa siglong ito.
Ito ay kaunting datos lamang. Ito ang Tsina. Noong 1996, hindi aabot sa isang milyon ang mag-aaral sa mga unibersidad sa Tsina, bawat taon. Noong 2006, higit pa sa limang milyon. Ano ang ibig sabihin nun? Lahat tayo ay makikinabang kapag yumaman ang ibang bansa. Hindi dapat tayo matakot na yumaman ang ibang bansa. Iyon ay isang bagay na dapat natin yakapin -- mayamang Tsina, mayamang India, mayamang Aprika. Pausbungin natin ang pangangailangan ng ideya, malalaking merkado na kinukwento ko kanina, malaking supply ng mga ideya para sa mundo. Ito ang mga dahilan kung bakit ako'y may magandang pangitain. Inaangat ng globalisasyon ang pangangailangan ng mga ideya, ang paggayak na lumikha ng mga bagong ideya. Pinapalawak ng edukasyon ang imbakan ng bagong ideya.
Ayon sa ating kasaysayan, may magagandang pangitain. Mula sa pagsisimula ng sangkatauhan hanggang 1500, walang naging pag-unlad sa ekonomiya. 1500 hanggang 1800, may kaunting paglago. Ngunit hindi kasing laki ng gaya sa siglong ito. 1900s isang porsyento. Ika-20 siglo, lagpas ng dalawang porsyento. Ika-21 siglo ay aabot ng 3.3 porsyento o higit pa. Sa takbo ng mga nangyayari, sa taong 2100, ang GDP per capita ng mundo ay 200,000 dolyar. Lagpas sa isang milyon ang GDP per capita ng Estados Unidos. Ngunit GDP per capita ng mundo, 200,000 dolyar. Hindi malayo ang panahong iyan. Ngunit hindi na natin maabutan. Ngunit, aabutan iyan ng ating mga apo. At masasabi kong walang halong yabang ang aking hula. Sa paniniwalang Kurzweil, malungkot ito. Sa paniniwalang Kurzweil, ako'y parang si Eeyore ng ekonomiya. (Tawanan)
Ok, paano naman ang mga problema? Paano ang great depression? Tignan natin ang Great Depression. Ito ang GDP per capita noong 1900 hanggang 1929. Ipagpalagay nating ika'y isang ekonomista noong 1929, na tinatanaw ang pag-unlad ng Estados Unidos sa hinaharap, at wala kang alam na pabagsak na pala ang ekonomiya. Hindi pa natin batid na tayo'y papasok sa pinakamalaking trahedyang pang-ekonomiya sa ika-20 siglo. Ano kaya ang iyong hula kung hindi mo alam ito? Kung binase mo ang iyong hula noong 1900 hanggang 1929 ito ang magiging hula mo. Kung higit na positibo ang iyong pananaw, dahil sa masaganang 20s, ito ang sasabihin mo. Ano nga ba ang nangyari? Bumagsak tayo ngunit tayo'y nakabawi. Sa katunayan, sa ikalawang yugto ng ika-20 siglo higit na mabilis ang ating pag-unlad kaysa sa anumang hula na ginawa noong unang yugto ng ika-20 siglo. Kayang burahin ng pag-unlad ang anumang epekto ng great depression.
Okay. Ano pa? Langis. Ito ay naging malaking paksa. Noong sinusulat ko pa ito, ang langis ay nasa 140 dolyar bawat bariles. Ang tanong ng taong-bayan, "Iniinom ba ng Tsina ang ating milkshake?" (Tawanan) At may kaunting katotohanan ito dahil ang langis ay nauubos na yaman. Itinataas ng pag-unlad ang ating pangangailangan dito. Hindi naman masama na naging mamahalin ang langis ngayon. Alam ng lahat na enerhiya, at hindi langis, ang ating kailangan. Ang mataas na presyo ng langis ay mangangahulugang mas malaki ang insentibo para sa pananaliksik sa enerhiya. Makikita mo ito sa datos. Habang tumataas ang presyo ng langis, dumadami din ang patents patungkol sa enerhiya. Mas handa ang mundo na lagpasan ang pagtaas ng presyo ng langis ngayon, kaysa sa panahong nakalipas, dahil sa mga bagay na ating napag-usapan. Isang ideya, isang mundo, isang merkado.
Kaya't ako'y positibo basta't sinusunod natin ang dalawang pilosopiyang ito: ipagpatuloy ang globalisasyon ng pandaigdigang merkado, palawakin ang pakikipagtulungan ng mga bansa, at pahalagahan ang edukasyon. Ngayon, may malaking bahagi ang Estados Unidos sa pagkakataong ito -- upang panatilihing globalisado ang sistema ng edukasyon, upang panatilihing bukas ang sistema ng edukasyon para sa lahat -- dahil ang sistema ng edukasyon ay isang kandilang nagbibigay-liwanag sa ibang mag-aaral upang masindihan ang sariling kandila. Alalahanin natin ang sabi ni Jefferson. Sabi ni Jefferson, "Kapag sila'y lumapit at nakisindi ng kandila, nakatatanggap sila ng liwanag, at tayo'y hindi magdidilim." Ngunit may mali sa sinabi ni Jefferson, di ba? Sa katunayan, kapag nakisindi sila ng kandila, dodoble ang ilaw na papakinabangan ng lahat. Kaya't ang aking pananaw ay positibo. Palaganapin ang mga ideya. Ibahagi ang liwanag. Salamat. (Palakpakan)
Got an idea, question, or debate inspired by this talk? Start a TED Conversation, or join one of these:
Napakahalaga ng "dismal science" sa talastasang ito, at tinataguyod ni Alex Tabarrok, isang ekonomista, ang malayang kalakalan at globalisasyon sa datiy' hati-hating mundo patungo sa iisang komunidad na malayang nagpapalitan ng mga ideya, na higit na malusog, masaya at masagana kaysa sa inaasahan natin.
With the hit economic blog MarginalRevolution.com, co-author Alex Tabarrok generates more hits than a summer hailstorm, and sheds light into the darkest corners of the dismal science. Full bio »
Translated into Tagalog by Johann Trinidad
Reviewed by Schubert Malbas
Comments? Please email the translators above.
If China and India were as rich as the United States is today, the market for cancer drugs would be eight times larger than it is now.” (Alex Tabarrok)
19:01 Posted: Jan 2007
Views 473,853 | Comments 79
16:41 Posted: Jan 2007
Views 416,015 | Comments 347
16:23 Posted: Mar 2009
Views 985,726 | Comments 199
Just follow the guidelines outlined under our Creative Commons license.
This comment will be attributed to . Not ? Sign out.