Ang pangalan ko ay Ursus Wehrli, at ibig kong makipag-usap sa iyo ngayong umaga tungkol sa aking proyekto, Pag-ayos ng Sining. Bago ang lahat -- may mga tanong ba? Bago ang lahat, kailangan kong sabihin na hindi ako taga rito. Nagmula ako sa kaiba-ibang kultura, baka napansin ninyo? Ibig kong sabihin, unang-una naka-kurbata ako. At pangalawa, medyo ninenerbiyos ako dahil nagsasalita ako sa wikang dayuhan, at gusto kong humingi ng paunang paumanhin, para sa anumang pagkakamaling magawa ko. dahil taga Switzerland ako, at sana huwag niyong pagkamalang ito ay German Ako ay nagsasalita ngayon dito. Ganito lang talaga ang pakinig nito kapag tayong Swiss ay sumubok magsalitang Amerikano. Pero huwag mag-alala -- wala akong problema sa Ingles, bilang tulad. Ibig kong sabihin, hindi ko problema iyan, wika ninyo iyan matapos ang lahat. (Tawanan) OK lang ako. Pagkatapos nitong pagpapakilala ng TED dito, babalik lamang ako sa Switzerland, at kayo ay kailangan pa rin magasalita ng ganito lagi. (Tawanan)
Kaya ako ay hinilingan ng mga organiser na magbasa ng aking libro. Ang pamagat nito ay Pag-ayos ng Sining at ito, tulad ng nakikita mo, ito ay higit kulang isang larawan na libro. Kaya matatapos kaagad ang pagbabasa. Pero dahil nandito ako na TED, nagpasiya akong gawin dito ang aking pagsalita sa isang modernong paraan, sa espirito ng TED dito, at nakagawa ako ng ilang "slides" dito para sa inyo. Gusto ko sanang pagpasa-pasahin ninyo para makita, alam ninyo -- (Tawanan) Meron rin akong inihanda na mga pinalaking larawan -- mas mabuti.
Kaya Pag-ayos ng Sining, ibig kong sabihin, kailangan kong sabihin, iyan ay medyo bagong salita. Hindi pa kayo pamilyar dito. Ibig kong sabihin, ito ay libangan ko na aking pinagkaabalahan nitong mga nakaraan na taon, at ito ay lahat nagsimula dito sa larawan ng Amerikanong pintor, si Donald Baechler na nakasabit sa dingding ng bahay ko. Kailangan ko itong tingnan araw-araw at pagkatapos dumating ang panahon na hindi ko na matiis ang gulo na tinititigan ng lalaki ito ng buong araw. Oo, medyo naawa ako sa kaniya. At sa tingin ko masama din ang nadama niya humaharap sa mga nakakalat na pulang kuwadrado araw-araw. Kaya nagpasiya akong bigyan siya ng kaunting alalay, at dinalhan ko ng kaayusan sa pagpatong-patong ng mga bloke nang patayo. (Tawanan) Oo. Sa tingin ko, mukha na siyang hindi masyadong miserable. At ang galing nito. Dahil sa karanasan na ito, nag-umpisa akong tumingan ng mas malapit sa modernong sining. Pagkatapos, naunawaan ko, alam mo, ang mundo ng modernong sining ay talagang walang kaayusan.
At maipapakita ko sa inyo ang napaka buting halimbawa. Ito ay simple lamang, pero mabuti gawing pag-uumpisa. Ito ay larawan gawa ni Paul Klee. At makikita natin ng maliwanag, ito ay kaguluhan ng kulay. (Tawanan) Oo, Mukhang hindi alam ng pintor kung saan ilalagay ang iba't-ibang kulay. Ang iba't-ibang larawan dito ng ibat-ibang elemento ng larawan -- lahat ay walang kaayusan. Hindi natin alam, siguro nagmamadali lamang si Ginoong Klee, ibig kong sabihin -- (Tawanan) -- siguro kailangan na siyang sumakay sa eroplano, o anuman. Makikita natin dito na nagsimula siya sa orange, tapos naubusan na siya ng orange, at dito makikita natin na nagpasiya siyang magpahinga para sa isang kuwadrado. at gusto kong ipakita sa inyo ang aking maayos na salin ng larawang ito. (Tawanan) Makikita natin ngayon ang anong hindi halos makilala sa orihinal: 17 pula at orange na kuwadrado ang naka parisukat sa dalawa lamang luntian na kuwadrado. Oo, iyan ay kahanga-hanga. Kaya ibig kong sabihin, iyan ay pag-aayos lamang para sa mga baguhan. Gusto kong magpakita sa inyo ng larawan na medyo mas masulong. (Tawanan)
Anong masasabi niyo? Ang gulo. Ibig kong sabihin, tingnan niyo, mukhang pinagsalpak-salpak lamang lahat kung saan-saan sa puwang. Kung ganito ang itsura ng kuwarto ko sa bahay, hindi ako pinalabas ng bahay ng tatlong araw ng nanay ko. Kaya ibig ko -- ibig kong magpasok muli ng kaunting kaayusan sa larawan na iyan. At iyan ang talagang masulong na pag-aayos. (Palakpakan) Oo, tama kayo. Minsan nagpapalakpakan ang mga tao pagdating dito pero mas marami pa iyan sa Switzerland. (Tawanan) Kaming mga Swiss ay sikat para sa tsokolate at keso. Ang aming mga tren ay tumatakbo sa oras. Masaya lang kami kapag maayos ang mga bagay.
Pero sa pagpapatuloy, heto ang isang mabuting halimbawa para makita. Ito ay larawan na gawa ni Joan Miro. At oo, makikita natin na ang pintor ay gumuhit ng ilang mga linya at hugis at inihulog lang ito sa kahit anong paraan sa dilaw na likuran. Oo, ito ang bagay na gagawin mo kapag ikaw ay gumuguhit habang nasa telepono. (Tawanan) At ito ang aking -- (Tawanan) -- makikita ninyo ngayon na ang kabuuan ay gumagamit ng mas kaunting puwang. Ito ay mas matipid at mas episyente. Sa paraang ito, si Ginoong Miro ay makakatipid ng kambas para sa isa pang larawan.
Pero nakikita ko sa mukha ninyo na kayo ay may kaunti pang pagduda. Para mapahalagahan ninyo kung gaano akong kaseriyoso sa lahat na ito, Dinala ko ang mga patente, ang mga detalye para sa mga gawaing ito. dahil ang aking mga paraan ng gawain ay napa patente ko na sa Eidgenössische Amt für Geistiges Eigentum sa Bern, Switzerland. (Tawanan) Uulitin ko lang ang nasa detalye. "Laut den Kunstprüfer Dr. Albrecht --" Hindi pa it tapos. "Laut den Kunstprüfer Dr. Albrecht Götz von Ohlenhusen wird die Verfahrensweise rechtlich geschützt welche die Kunst durch spezifisch aufgeräumte Regelmässigkeiten des allgemeinen Formenschatzes neue Wirkungen zu erzielen möglich wird."
Ja, maaaring isinaling-wika ko iyan, pero kayo ay hindi pa rin magiging mas marunong. Hindi rin alo sigurado kung ano ang ibig sabihin nito pero mabuting pakinggan gayon pa man. Ngayon ko lang naunawaan ang kahalagahan kung paanong nagpapakilala ng mga bagong ideya sa mga tao, kaya ang pag-patente ay kinakailangan paminsan-minsan. Gusto kong makipag-subok ng maikli sa inyo. Maaayos naman ang pagkakaupo ninyong lahat dito ngayong umaga. Kaya paki taas niyo lang ang mga inyong kanang kamay. Oo. Ang kanang kamay ang ginagamit nating panulat, bukod sa mga kaliwete. Ngayon, Bibilang ako hangang tatlo. Ibig kong sabihin, mukhang maayos pa naman ito. Ngayon, bibilang ako hanggang tatlo, at sa pangatlong bilang Gusto kong kamayan ninyo ang taong nakaupo sa likod niyo. OK? Isa, dalawa, tatlo. (Tawanan)
Kita ninyo, iyan ay mabuting halimbawa: kahit kumilos ng maayos, masistemang paraan ay minsan ang kinalalabasan ay buong kaguluhan. Kaya makikita rin natin iyan ng malinaw sa susnod na larawan. Itong larawan ay gawa ng pintor na si Niki de Saint Phalle. At ibig kong sabihin, sa orihinal ito ay lubos na hindi malinaw na nakikita kung ano itong pinagbuhol-buhol na mga kulay at hugis ang dapat ilarawan. Pero sa naayos na bersiyon, malinaw na nakikita na ito ay isang babaeng sunog sa araw na naglalaro ng balibol. (Tawanan) Oo, ito ay -- itong nandidito, iyan ay masmabuti. Iyan ay larawan na gawa ni Keith Haring. (Tawanan) Sa tingin ko, hindi na bale. Kaya, ibig kong sabihin, itong larawan ay wala man lang tamang pamagat. Ito ay tinatawag na "Untitled" at sa tingin ko iyan ay nababagay.
Kaya, sa inayos na bersiyon mayroon tayong parang tindahan ng piyesa ni Keith Haring. (Tawanan) Ito ay si Keith Haring tinitingnan na pa-istatistika. Makikita ng isa na may kalinawan, makikita niyo na mayroon tayong 25 na maputlang luntiang elmento, na isa dito ay nasa hugis na pabilog. O kaya dito, halimbawa, mayroon tayong 27 na kuwadradong rosas na may isa lamang rosas na pakurba. Ibig kong sabihin, iyan ay kawili-wili. Maaaring igawad ng isa itong uri ng istatistikang pagsusuri. para masakop ang lahat ng ibat-ibang gawain ni Ginoong Haring. para matatag kung anong panahon pinapaboran ng pintor ang maputlang luntian o kuwadradong rosas. At ang pintor mismo ay makikinabang din sa listaan ng pamaraan na ito sa paggamit nito para maestima niya kung gaano karaming timba ng pintura ang kakailanganin niya sa daratin na panahon. (Tawanan)
Walang alinglangan makakagawa rin ang isa ng mga kombinasyon. Halimbawa, sa mga bilog ni Keith Haring at tuldok ni Kandinsky. Maaari niyong ipagsama sa lahat ng kuwadrado ni Paul Klee. Sa katapusan, magkakaroon ang isa ng listahan na maaaring isaayos. Tapos pag-uri-uriin niyo, tapos salansanin niyo, ilagay ang sinalansan sa isang aparador, ilagay sa inyong opisina at maaari ninyo pagkakitaan ang paggawa nito. (Tawanan) Oo, sa aking sariling karanasan. Kaya ako'y -- (Tawanan) Sa totoo, ibig kong sabihin, mayroon tayong mga pintor na mas maayos ng kaunti. Hindi masyadong masama. Ito ay si Jasper Johns. Nakikita natin dito na nagsasanay siyang gumamit ng kaniyang panukat. (Tawanan)
Pero sa tingin ko puwede pang makinabangan ito sa dagdag na disiplina. at sa tingin ko ang kabuuan ay dadagdag ng masmabuti kung ganito ang gagawin nyo. (Tawanan) Heto, iyan ay isa sa aking paborito. Pag-ayos kay Rene Magritte -- ito ay nakaka-aliw talaga. Alam niyo, mayroon -- (Tawanan) Natanong na kung ano ang nagpasigla sa akin na pasukin ang lahat na ito. Nabalik sa panahon noong madalas akong tumitira sa mga otel. Minsan mayroon akong pagkakataon na tumira sa isang pangunahing uring "five-star" otel. Alam niyo, meron doong mga maliliit na karatula -- Inilalagay ko itong karatula sa labas ng pinto ko tuwing umaga na nababasa, "Paki-ayos ang kuwarto." Hindi ko alam kung mayroon ako nito dito. Sa totoo, hindi nalilinis ang kuwarto ko ng isang beses kundi tatlong beses sa isang araw. Kaya habang panahon, pinagkatuwaan ko ito. at bago ako umalis ng kuwarto bawat araw, nagkalat ako ng ilang kagamitan sa lugar. Gaya ng mga libro, damit, sipilyo, at iba pa. Ang galing. Pagbalik ko, lahat ng gamit ay naisauli ng maayos sa kaniyang lugar. Pero isang umaga, isinabit ko ang parehong maliit na karatula sa larawan na iyan na gawa ni Vincent Van Gogh. (Tawanan) At masasabi ninyo na itong kuwarto ay hindi pa nalilinis mula 1888. At nang pagbalik ko ito ay nagmukhang ganito. (Tawanan) Oo, ngayon maaari nang mag-bakyum. (Tawanan)
OK, ibig kong sabihin, nakikita ko na laging may mga tao na parang umepekto diyan o sa ibang larawan na hindi pa naaayos ng mabuti. Kaya puwede tayong gumawa ng maikling pagsubok. Ito ay larawan na gawa ni Rene Magritte, at gusto kong sa looban ninyong lahat -- pagisipan ito -- na isaayos iyan. Kaya posibleng ang iba sa inyo ay gagawin ng ganito. (Tawanan) Oo? Mas gusto ko sana na gawin sa ganitong paraan. Ang ibang tao ay gagawa ng "apple pie" dito. Pero ito ay mabuting halimbawa para makita na ang buong gawain ay mas pagsasakit ng pagyari sa kamay na kasangkot ay napaka mabusising trabaho ng pagtanggal ng iba't ibang elemento at pagdikit uli nito sa mga panibagong kaayusan. At ito ay hindi gawa, na isip ng maraming tao, sa kompyuter, kung hindi ito ay magmumukhang ganito. (Tawanan)
Kaya ngayon naayos ko na ang mga larawan na matagal ko nang gustong ayusin. Heto ang mabuting halimbawa. Kunin ang gawa ni Jackson Pollock, halimbawa. Ito ay -- o, hindi, ito ay -- iyan ay sobrang hirap. Pero habang panahon, nagpasiya ako dito na gawin ng panlahatan at isauli ang pintura sa mga lata. (Palakpakan) O maaari kang pumunta sa "three-dimensional art". Heto sa atin ang "Fur Cup" gawa ni Meret Oppenheim. Dito ibinalik ko nalang ito sa kaniyang original na kalagayan. (Tawanan) Pero oo, mahusay nga, puwede ka pang pumunta, alam mo -- O kaya mayroon tayo nitong "pointilist movement" para sa inyong may hilig sa sining. Ang "pontilist movement" ay isang uri ng pagpipinta na lahat ay nabubukod lang sa mga tuldok at piksels At pagtapos ako -- itong uri ng bagay ay ideyal para sa pag-aayos. (Tawanan)
Kaya inilagay ko ang aking sarili sa gawain ng imbentor ng paraan na ito, si George Seurat, at kinolekta ko ang lahat ng kanyang tuldok. At ngayon nandito silang lahat. (Tawanan). Maaari niyong bilangin ito mamaya, kung gusto niyo. Tingnan niyo, iyan ang magandang bagay tungkol sa ideya ng pag-ayos ng ideya: Ito ay bago. Kaya wala pa itong tradisyon. Wala pang mga libro, ibig kong sabihin, wala pa gayunpaman. Ibig kong sabihin, "ito ang "kinabukasan na ating lilikhain." (Tawanan) Pero para tapusin, gusto kong ipakita sa iyo ang isa pang bagay. Heto ang "village square gawa ni Pieter Bruegel. Ganito ang itsura kung ipinauwi mo silang lahat. (Tawanan) Oo, siguro tinatanong ninyo ang sarili ninyo saan napunta ang mga tauhan ni Bruegel. Syempre, hindi sila nawala. Nandito silang lahat. (Tawanan) Pinagpatong-patong ko lang sila. (Tawanan)
Ngayon ako'y -- oo, sa totoo ako ay tapos na sa ngayon. At para sa mga gusto pang makakita ng higit pa, ang aking libro ay nasa baba sa tindahan ng libro. At ako'y magagalak na pirmahan ito para sa iyo na may pangalan ng sinumang pintor. (Tawanan) Pero bago ako umalis, gusto kong ipakita sa iyo, Ako'y may ginagawa ngayon na iba - sa kaugnayang larangan na gamit ang sistemang pag-ayos ng sining. Ako ay may ginagawa sa kaugnayang larangan. At sinimulan kong magbigay ayos sa mga bandila. Heto -- iyan lang ang aking bagong mungkahi sa "Union Jack". (Tawanan) At siguro bago ko kayo iiwan... oo, tingin ko, pagkatapos niyong makita iyan, kailangan ko nang umalis. (Tawanan) Oo, iyan ay may kahirapan. Wala akong makitang paraan kung paanong isaayos iyan ng tama kaya ipinasiya ko na gawin itong mas simple. (Tawanan) Maraming Salamat. (Palakpakan)
You can share this video by copying this HTML to your clipboard and pasting into your blog or web page. This video will play with subtitles.
You either have JavaScript turned off or have an old version of the Adobe Flash Player. To view this rating widget you
need to get the latest Flash player.
If your browser allows only "trusted sites" to execute Javascript, you should add the "googleapis.com" domain to your whitelist to allow our Flash detection to work properly.
Got an idea, question, or debate inspired by this talk? Start a TED Conversation.
Ibinabahagi ni Ursus Wehrli ang kanyang larawang-diwa para sa mas malinis, mas mabuo, at mas maayos na sining -- sa pamamagitan ng pagbaklas ng mga larawan ng mga modernong tanyag na pintor sa mga sangkap na piraso, para ibukod nang ayon sa kulay at hugis.
Comedian and cabaret artist Ursus Wehrli is on a crusade to tidy up art. Full bio »
Translated into Filipino by Ann Throp
Comments? Please email the translators above.
18:56 Posted: Aug 2006
Views 1,307,814 | Comments 118
11:14 Posted: Jun 2008
Views 866,424 | Comments 199
17:30 Posted: Oct 2007
Views 282,660 | Comments 34
Just follow the guidelines outlined under our Creative Commons license.
This comment will be attributed to . Not ? Sign Out.