Lauren Hodge: Kung ika'y pupunta sa restawran at papipiliin kung alin ang mas malusog, ano ang pipiliin mo, ang inihaw o piniritong manok? Pinipili ng karamihan ang inihaw, at totoo na ang inihaw na manok ay may kunting taba at calories. Ngunit, ang inihaw na manok ay may tinatagong panganib. Ang nakatagong panganib ay ang heterocyclic amines -- partikular yung phenomethylimidazopyridine, o PhlP -- (tawanan) na isang compound na immunogenic o carcinogenic.
Ang carcinogen ay isang substance o agent na nagiging sanhi ng abnormal na paglaki ng mga cell, na maaaring magdudulot rin sa paglaki at paglaganap nito. Mayroon ding mga organikong compounds na isa o marami pang hydrogen sa ammonia ay napapalitan ng mas masalimoot na grupo. Isang pag-aaral ay nagpapakita na nagpapababa sila ng dami ng mga heterocyclic amines. Pero wala pang pag-aaral na nagpapakita kung papapaano at bakit. Ito ay limang magkakaibang grupo ng mga carcinogens. Sa nakikita n'yo, wala sa kanila ang maituturing na ligtas, na nangangahulugan lamang na dapat bawasan sila sa ating dyeta.
Kayo siguro ay nagtataka kung papaano ang isang 13-taong gulang ay nagkaroon ng isang ideya. Ito ay naganap sa mga serye ng kaganapan. Unang kung nalamat ito sa isang lawsuit nabasa ko sa opisina ng doctor ko -- (Tawanan) sa pagitan ng "Komite ng mga Doktor para sa Responsabling Pagmedisina" at sa pitong magkaiba na fast food restawran. Hindi sila kinasuhan dahil sa mga carcinogens sa kanilang manok, kundi dahil sa Proposisyon bilang 65 ng California, na nagsasabing anumang produktong may mapanganib na sangkap ay bibigyan ng babala.
Nagulat ako dito. Pinagtatakaan ko lang kung bakit walang isa ang talagang nakakaalam tungkol sa panganib ng inihaw na manok, na mukhang hindi gaano ka delikado. Isang gabi, ang aking mommy ay nag-ihaw ng manok para sa hapunan, at napansin ko na sa gilid ng manok na kung saan ang binabad sa lemon juice ay nagiging puti. At kinamayaan sa aming klase sa biology, nalaman ko na dahil pala ito sa prosesong tinatawag na denaturing, na kung saan ang protina ay mag-ibang anyo at mawalan ng kanilang abilidad sa aspetong kemikal. Kaya pinag-isa ko ang dalawang ideya para bumou ng hypothesis, na nagsasabing, maaari bang ang mga carcinogens ay bababa sa pagbabad at dahil ba ito sa deperensya sa PH?
Kaya nabuo ang aking ideya, at nakaplantsa na ang aking proyekto at hypothesis, kaya ano ang sunod kung gawin? Natural, kailangan kung maghanap ng lab dahil walang kagamitan ang paaralan namin. Akala ko madali lang, pero nag-email ako sa humigit-kumulang 200 ka-tao sa loob ng 5 oras na radius sa titirhan ko, at nakatanggap ako ng iisang sagot na nagsasabing pwede akong magtrabaho sa kanila. Karamihan sa iba ay hindi sumagot, o nagsasabing wala silang oras o wala silang kagamitan at hindi makatutulong sa akin. Kaya iyon ay malaking pag-uukol para magbihaye sa lab nang madalas. Pero, iyon ay malaking opurtunidad para magtrabaho sa isang tunay sa laboratoryo -- para maumpisahan ko na ang aking proyekto.
Ang unang hakbang ay nakompleto na sa bahay, na sa kabuuan ay ang pagbabad ng manok, pag-ihaw nito, pagtipon at paghanda nito para ibiyahe patungo sa laboratoryo. Ang pangalawang hakbang ay nakompleto sa loob ng main campus ng Penn State University, yung pagkuha ng mga kemikal mula sa manok, pagiba ng PH nito pra mapasok ko siya a aparato at paghiwalayin ang mga compounds na kailangan ko mula sa manok. Ang huling hakbang ay yung pagsala ko sa mga sample sa isang high-pressure na liquid chromatography mass spectrometer, na naghihiwalay ng mga compounds at suriin ang mga kemikal at magsasabi sa akin kung gaano talaga karami ang carcinogen sa aking manok.
Kaya nung nakuha ko na ang resulta, ikinagulat ko ito, dahil nalaman ko na apat sa limang sangkap sa pagbabad ng manok ay mayroong pagbubuo ng carcinogen. Nung kinumpara ko sa hindi binabad na manok, na siyang aking ginamit bilang kontrol, nalaman kung ang lemon juice ang pinaka-angat na nagpapababa ng cancinogens ng 98 porsyento. Ang pinagbabad din sa saltwater at pula na asukal ay mabuti rin, na nagpapababa ng carcinogens ng 60 porseyto. Ang olive oil ay nagpapababa nang bahagya sa pagbuo ng PHlP, ngunit ito ay bale-wala lang. At ang resulta naman sa toyo ay hindi depinitibo dahil sa laki ng lawak ng mga datos, dahil mukhang sa toyo ay nagpapataas pa sa dami ng carcinogens.
Isa pang importanting salik na hindi pinagtutuonan nung una ay ang katagalan ng pagluluto. Nalaman ko kung tatagalan mo ang pagluluto, ang dami ng mga carcinogens ay tataas nang mabilis. Kaya ang pinakamainam na pagbabad ng manok, base dito, ay hindi ang pagluto nang hilaw nito, pero hindi naman yung pag-over-cook at pagsunog nito, at pagbabad sa lemon juice, pulang asukal o saltwater.
Base dito, mayroon akong isang katanungan sa inyo. Payag ba kayong magkaroon ng kunting pagbabago sa inyong dyeta na may potensyal na makapagligtas ng iyong buhay? Hindi ko sinasabing kung kakain ka ng inihaw na manok na hindi binabad, ay magkakaroon ka ng cancer at mamatay. Kaya lang, kung gagawa ka ng isang bagay na nagpapababa sa risgo ng carcinogens ay talagang magpapataas ng kwalidad ng iyong buhay.
Mahalaga ba iyan sa iyo? Kaya, paano mo na lulutuin ang manok ngayon?
Shree Bose: Hi sa inyo. Ako si Shree Bose. Ako yung nanalo sa 17-18 na taong gulang na kategorya at ang grand prize. Gustong kong magimagin kayo ng isang batang babae na may hawak na isang patay na bughaw na espinadas. At nakatayo siya sa harap niyo na nag-uunawa na ang maliliit na bata ay kakain ng kanilang gulay kung ang kulay nila ay iba. Nakakatawa, hindi ba. Pero ako yun sa nakalipas na panahon. At yun ang kauna-unahan kong proyekto sa science fair. Naging mas masalimot ito mula doon. Ang aking kuya na si Panaki Bose ay nag-gugol ng kanyang panahon para ipaliwanag ang atom sa akin noong hindi ko pa lubusang maintindihan ang algebra. Nagdusa ang aking mga magulang sa marami ko pang proyekto sa science fair, kasama na ang basurahan na remote controlled.
At pagsapit ng summer pagkatapos freshman year, namatay ang aking lolo sa cancer. At natatandaan ko kung paano ito nalusutan ng aming pamilya at nagpagtanto na wala ng iba pang pamilya dapat ang makaranas ng ganuong kawalan. Kaya, naka-armas sa lahat ng aking karunungan sa biolohiya nung ako'y first year, napagdesisyunan kong magsagawa ng pagsaliksik sa cancer nung ako'y 15. Magandang plano. Kaya inumpisahan kong mag-email sa lahat ng mga propesor sa amin para magtrabaho sa kanilang superbisyon sa kanilang laboratoryo. Tinangihan ako ng lahat maliban sa isa. Kaya natuloy iyon, sa sunod na summer, nagtrabaho ako sa ilalim ni Dr. Basu sa UNT Health Center sa Fort Worth, Texas. At dun nagumpisa ang pagsaliksik ko.
Ang ovarian cancer ay isang klase ng cancer na bihira lang ang may alam, o kunti lang ang nagbigay ng atensyon. Pero, ito and panglima sa pangunahing sanhi ng pagkamatay dahil sa cancer sa mga kababaihan sa Estados Unidos. Sa katunayan, isa sa 70 na babae ay napagalamang may ovarian cancer. Isa sa bawat 100 ay namamatay dito. Chemotherapy, isa sa pinaka-epiktibong paraan para gamutin ang cancer sa panahon ngayon, ay naglalakip ng pagbibigay sa mga pasyente ng matatas na dosis ng mga kemikal para patayin ang mga cancer cells.
Cisplatin ay isang komon na ovarian cancer chemotheraphy na gamot -- isang simpleng molecule na ginawa sa laboratoryo na ginugulo ang DNA ng mga cancer cell at magiging dahilan para sila mamatay. Parang nakakamamangha, di ba? Pero ito ang problema: kadalasan, masasanay na ang pasyente sa gamot, at pagkatapos ng sila'y madeklarang wala ng cancer, babalik sila. At dito, hindi sa sila matablan sa gamot. Isa itong malaking problema. Sa katunayan, ito ay isa sa malalaking problema ng chemotheraphy ngayon.
Kaya gusto naming malaman kung papaano naging malakas ang mga ovarian cancer cells laban sa gamot na tinawag nating Cisplatin. At gusto naming malaman, dahil kung malalaman namin yun, ay maaaring matigil ang paglakas nito. Kaya yun ang ginawa namin. At sa tingin namin ay may kinalaman ang isang protina na tinawag na AMP kinase, isang enerhiyang protina. Kaya nagsagawa kami ng mga test para pigilan ang protinang ito, at nakita namin ang malaking paggalaw. Ang ibig kong sabihin, sa slide na ito, makikita niyo na sa ating sensitibong panig, ang mga cell na ito ay nagreact sa gamot, nung pinigilan na namin ang mga protina, ang bilang ng mga namamatay na cells -- yung mga nakakulay na tolduk -- ay bumababa. Pero sa bahaging ito, sa parehong paraan, sila'y umaakyat -- napakainteresante.
Pero ang mga tuldok na nasa screen, sa inyong palagay; ano ang talagang ibig sabihin nito? Ang talagang ibig sabihin nyan ang protinang ito ay nagbabago mula sa sensitibo tungo sa di tinatablan na cell At sa katunayan, binabago nila ang iba pang cells para maging resistant din. At iyan ay napakalaki. Sa katunayan, kung ang isang pasyente ay dumating at sila'y di tinatablan sa druga na ito, at bibigyan namin sila ng kemikal para mapigil ang protinang ito, ay mapapagaling din namin sila ulit sa parehong gamot. At iyan ay malaking tagumpay para sa chemotheraphy -- na posible rin para sa iba pang tipo ng kanser. Kaya yun ang aking nagawa, at yun ang aking paraan para baguhin ang kinabukasan para sa hinaharap na pagsaliksik, para malaman kung ano talaga ang ginagawa ng protinang ito, pero para rin sa kinabukasan ng pagiging epektibo ng chemotheraphy -- para lahat ng ating mga lolo na may kanser ay mayroon pang kukunting panahon para igugol sa kanilang mga apo.
Pero ang ginawa ko ay hindi lang para sa pagsaliksik. Yun ay ang paghahanap ng aking pasyon. At kaya ako nanalo ng grand prize sa Google Global Science Fair -- nakakatutuwang litrato, di ba -- iyun ay nakakatuwa para sa akin at isang malaking karangalan. At mula doon, Kailangan kong gumawa na mga cool na bagay -- mula sa pakikipagtagpo ko sa presidente hanggang pagtungtong ko sa entabladong ito para magsalita sa inyong lahat.
Pero gaya ng sabi ko, ang aking paglalakbay ay hindi tungkol sa pagsaliksik, yun ay ang paghahanap ng aking pasyon, at iyon ay tungkol sa paggawa ng sariling kong opurtunidad kahit na hindi ko alam kung ano ang aking ginagawa. Iyon ay tungkol sa inspirasyon at determinasyon at hindi pagsuko ng aking interes para sa syensya at pagkatuto at paglaki. Sa bandang huli, ang aking estorya ay nagsisimula sa isang tuyo, at patay na halamang spinach at iyun ay magiging mabuti pa lamang mula doon.
Naomi Shah: Hi sa inyong lahat. Ako si Naomi Shah, at ngayon ay magsasalita ako tungko sa ang aking pagsaliksik na may kinalaman sa kwalidad ng hangin sa loob at ng pasyente ng hika. 1.6 na milyon ang namamatay sa boung daigdig. Isa ang patay sa bawat 20 na segundo. May mga taong 90 porsyento sa kanilang buhay ay ginugol sa loob ng bahay. At ang pang-ekonomiyang pasanin sa hika ay humigit pa sa pinagsamang HIV at tuberculosis. Itong istatistikang ito ay may malaking epekto sa akin, pero ang talagang naging dahilan ng aking interes sa pagsaliksik nito ay masaksihan ang aking ama at kapatid na magdusa sa hindi magaling-galing na allegy taon-taon. Nakakalito para sa akin; bakit nariyan itong mga simtoma ng allergy kahit hindi na pollen season?
Dala ang tanong na ito, inumpisahan ko ang aking pagsaliksik, at nalaman ko na ang dahilan nito ay ang indoor air pollutants. Sa sandaling nalaman ko ito, inembistigahan ko ang pinagsaligang relasyon sa apat na laganap na air pollutants at ang epekto nito sa kalusugan ng baga sa mgapasyente ng hika. Nung una, gusto ko lang malaman kung alin sa apat na pollutants ang may malaking negatibong epektong pangkalusugan sa baga ng mga pasyente sa hika. Pero pagkatapos ng maikling panahon ay nakabuo ng bagong matematikong modelo na mahalagang nabigay ng kwantipikadong epekto sa mga environmental pollutants na ito sa kalusugan ng baga ng mga pasyente ng hika. At ikinagugulat ko na walng modelo ang mayroon ngayon na nagkukwenta sa epekto ng mga salik sa kapaligiran sa kalusugan ng ating baga, dahil ang relasyong iyan ay talagang importante.
Kaya dahil dyan, ininumpisahan kong magsaliksik ng mas maigi, at maging mas maragasa. Dahil natantuhan ko na kung gugustuhin nating maghanap ng gamot dito, makakakita tayo ng paraan para gamutin ang mga may hika ng mas ma-igi. Halimbawa, ang mga madaling masunog na mga compounds ay mga kemikal na pollutants na makikita natin sa ating paaralan, bahay, at pinagtatrabahuan. Yan ay kahit saan. Ito ay mga kemikal na pollutants na hindi ngayon kasama sa itinuring na air pollutant, sa listahan ng U.S. Clean Air Act. Ito ay ikinagulat ko, dahil ang mga kemikal pollutants na ito, sa aking pagsaliksik, ay nakita kong may malaking negatibong epekto sa kalusugan ng mga may hikang pasyente at kaya dapat sila ma-kontrol ng batas.
Kaya ngayon gusto kong ipapakita sa inyo ang isang interaktibong software model na ginawa ko. Ipapakita ko siya sa inyo sa pamamagitan ng aking laptop. At may boluntaryo ako mula sa audience ngayon, si Julie. At lahat ng mga datos mula kay Julie ay ipinasok sa aking interaktibong software model. At sinuman sa inyo ay makakagamit nito. Kaya gusto kong ilagay ang inyong sarili kay Julie, o sa sinumang malapit sa inyo na may hika o nagdusa na isa pang sakit sa baga. Si Julie ay papunta sa opisina ng kanyang doktor para magamot ang kanyang hika. At sinabihan siya ng doktor na umupo, at kinuhaan siya ng pinakamataas na expiratory flow rate -- na kailangan sa kanyang exhalation rate, o ang dami ng hangin na mabuga niya sa iisang paghinga.
Kaya ang peak expiratory flow rate, ipinasok ko siya sa aking interaktobong software model. Ipinasok ko rin ang kanyang edad, kasarian, at kanyang taas. Ipinagpalagay ko na nakatira sya sa isang karaniwang bahay na may pamantayang lebel ng air pollutants. Kaya sinuman sa inyo ay lalapit dito at mag-click sa "lung function report" at makakarating sila sa report na ginawa ko. At ang report na ito ay ang talagang pinakabuod ng aking pagsaliksik.
Kaya kung ano ang pinakikita nito -- kung mapapansin niyo sa graf na iyan sa kanang bahagi -- ay pinapakita ang aktwal na pinakamataas na expiratory flow rate sa dilaw na bar. Ito ang sukat na kinuha niya sa opisina ng kanyang doktor. Sa bughaw na bar sa ilalim ng graf, ay nagpapakita ng kanyang pinakamataas na expiratory flow rate, kung ano dapat ang kanyang exhalation rate o kalusugan ng kanyang baga base sa kanyang edad, kasarian, at taas. Kaya makikita ng doktor ang pagkakaiba sa dilaw at bughaw na bar, at sabi niya, "Wow, dapat bigyan natin siya ng steroids, medikasyon at inhalers."
Pero gustong kong ibahin ang inyong pananaw na sa halip na maresita ng steroids, inhalers at medikasyon, ang doktor ay lilingon kay Julie at magsabi, "Bakit di ka bumalik sa inyo at linisin ang air filters. Linisin mo dapat ang mga air ducts sa inyong bahay, pinagtatrabahuan, at sa inying paaralan. Pigilang mong gumamit ng insenso at kandila. At kung nagplanong kang ibahin ang bahay mo, alisin mo na ang carpet at lagyan mo ng kahoy na sahig." Dahil ang solusyon na ito ay natural, ang solusyon na ito ay sustainable, ang mga solusyon na ito ay pangmatagalan -- ginagawa natin ang pangmatagalan puhunan na ito para sa ating henerasyon at darating pa. Dahil ang solusyong pang-kalikasan na kayang magawa ni Julie sa kanyang bahay, pinagtatrabahuan at paaralan ay makakaepekto sa lahat ng tao sa paligid niya.
Napakamaragasa ako sa pagsaliksik na ito at gusto ko pang ipagpatuloy at palawakin pa hangang sa mga sakit liban sa hika, marami pang sakit sa baga at mga pollutants. Bago ko tapusin ang aking pagsasalita, gusto kong liban kayo sa isang pahayag. At ang pahayag ay yun genetics ang naglagay ng bala sa baril, pero ang kapaligiran ang kablit nito. At iyan ay may malaking epekto sa akin nung aking ginawa ang pagsaliksik. Dahil naisip ko na karamihan sa atin ay nag-iisip na ang kapaligiran ay nasa malawak na lebel, na wala tayong magagawa para baguhin natin ang kwalidad ng ating hangin o para baguhin ang klima o anuman.
Pero kung bawat isa sa atin ay gumawa ng inisyatibo sa ating bahay, paaralan at pinagtatrabahuan, makakagawa tayo ng malaking epekto sa kwalidad ng ating hangin. Dahil tandaan niyo, 90 porsyento ng ating buhay ay ginugol natin sa ating bahay At ang kwalidad ng ating hangin at air pollutants ay may malaking epekto sa kalusugan ng may hikang pasyente, sinumang may sakit sa baga at lahat naman tayo.
Kaya gusto kong mag-isip kayo ng panibagong mundo na may mas mabuting kwalidad ng hangin mas mabuting buhay at mas mabuting pamumuhay sa ating lahat lakip na sa sunod na henerasyon.
Lisa Ling: Tama. Pwede bang umakyat sina Shree at Laureen ng mabilis? Ang inyong mga kampyon sa Google Science Fair. Ang mga nanalo.
You can share this video by copying this HTML to your clipboard and pasting into your blog or web page. This video will play with subtitles.
You either have JavaScript turned off or have an old version of the Adobe Flash Player. To view this rating widget you
need to get the latest Flash player.
If your browser allows only "trusted sites" to execute Javascript, you should add the "googleapis.com" domain to your whitelist to allow our Flash detection to work properly.
Got an idea, question, or debate inspired by this talk? Start a TED Conversation.
Noong 2011, tatlong batang babae ang naghakot ng matataas na premyo sa kanunaunahang Google Science Fair. Sa TEDxWomen, sina Lauren Hodge, Shree Bose at Naomi Shah ay nagbahagi ng kanilang karanasan sa kanilang ekstraordinaryong proyekto -- at ang kanilang daan tungo sa kanilang pagkahilig sa syensya.
Lauren Hodge won the 2011 Google Science Fair in the age 13-14 category. Full bio »
Shree Bose was the grand prize winner at the 2011 Google Science Fair. Full bio »
Naomi Shah won the 2011 Google Science Fair in the age 15-16 category. Full bio »
Translated into Filipino by Aries Eroles
Reviewed by Polimar Balatbat
Comments? Please email the translators above.
18:49 Posted: Oct 2006
Views 473,707 | Comments 182
12:52 Posted: Nov 2011
Views 672,162 | Comments 170
04:40 Posted: Nov 2011
Views 1,197,878 | Comments 206
Just follow the guidelines outlined under our Creative Commons license.
This comment will be attributed to . Not ? Sign Out.