Return to the talk Return to talk

Transcript

Select language

Translated by Resty Cena
Reviewed by chris s

0:11 Ang halaga ng wala: mula sa wala, sumisibol ang isang bagay. Isang sanaysay ito na sinulat ko noong ako'y 11ng taong gulang at ang nakuha ko ay B+ (Tawanan) Ang tatalakayin ko: wala mula sa mayroon, at kung paano tayo lumilikha. At susubukin kong gawin ito so loob ng 18-minuto na pataan sa atin, at sundin ang "the TED commandments": kung baga'y, ang totoo'y, isang bagay na lumilikha ng karanasang bingit-sa-kamatayan, pero ang bingit-sa-kamatayan ay mabuti sa pagkamalikhain. (Tawanan) OK.

0:45 Kaya, gusto ko ring ipaliwanag, dahil sinabi ni Dave Eggers na bubuligligin niya ako kung may sasabihin akong isang kasinungalingan, o hindi totoo tungkol sa unibersal na pagkamalikhain At nagawa ko ito sa ganitong paraan para sa kalahati ng naririto, na siyentipiko. Kapag sinasabi kong tayo, hindi ko ibig tukuying kayo nga. Ang ibig kong sabihin ay ako, at ang kanan kong utak, ang kaliwa kong utak, at ang nakapagitan na siyang tagasulit at nagsasabi sa akin na ang sinasabi ko ay mali. At gagawin ko iyan na tumitingin din sa ipinapalagay ko na bahagi ng aking pamamaraan sa paglikha, na binubuo ng ilang bagay na nangyari, ang totoo – ang wala ay nagsimula nang mas nauna pa sa sandali ng paglikha ko ng isang bagay na bago. Kasama na rito ang kalikasan, at pag-aaruga at ang tinutukoy ko na mga bangungot.

1:32 Ngayon sa larang ng kalikasan, tinitingnan natin kung totoo o hindi na mayroon tayong likas na kung ano, baka sa ating utak, may di-pangkaraniwang chromosome na siyang sanhi ng mala-musang epekto. May mga taong magsasabi na ipinanganak tayong mayroon nito, at ang iba, tulad ng ina ko, ay magsasabi na nakukuha ko ang mga materyal ko sa nangakaraang buhay. May mga tao rin na magsasabi na ang pagkamalikhain ay maaaring dala ng kapansanang neurological -- syndrome ni van Gogh -- na mayroon ka kahit kapiraso, alam mo na, psychosis, o depression. Dapat kong sabihin, may isang tao – nabasa ko kamakailan lang na baka hindi naman talagang psychotic si van Gogh, na mayroon siyang temporal lobe seizures, at maaaring siyang sanhi ng bugso ng pagkamalikhain, at hindi ko – siguro ikako may epekto iyon sa isang parte ng iyong utak. At gusto ko ring banggitin na ang totoo'y nagkaroon ako ng temporal lobe seizures ilang taon na ang nararaan, pero iyon ay noong sinusulat ko ang huli kong libro, at may ilang nagsasabi na ang librong iyon ay talagang naiiba.

2:41 Palagay ko'y may bahagi ito na nagsisimula sa nararamdamang identity crisis: alam mo na, sino ako, bakit ako ay itong partikular na taong ito, bakit hindi ako itim na tulad ng lahat? At kung minsa'y mayroon kang mga kasanayan pero hindi sila ang uri ng kasanayan na nakapagbibigay ng pagkamalikhain. Dati'y nagdo-drowing ako. Akala ko'y magiging pintor ako. At mayroon akong isang munting poodle. At okey naman din siya, pero hindi talagang malikhain. Dahil sa ang nagagawa ko lang ay maglarawan sa isang paraang isa-sa-isa. At may pakiramdam ako na maaaring kinopya ko ito sa isang libro. At saka hindi rin ako sumisikat sa isa pang gawaing gusto ko, at alam mo na, titingnan mo ang mga marka, at hindi naman masama, pero walang sinasabi kung isang araw ay mabubuhay ako sa makasining na pag-aayos ng mga salita.

3:35 Isa pa, isa sa mga prinsipyo ng pagkamalikhain ay ang magkaroon ng konting childhood trauma. At naranasan ko ang karaniwang uri na naranasan ng maraming tao, at ito ang, alam mo na, mga inaasahan sa akin. Ang pigurang iyon, mabanggit ko, ang pigurang iyon ay isang laruang ibinigay sa akin noong ako'y siyam na taon pa lang, at ito ay para tulungan akong maging doktor nang bata pa. Mayroon akong ilan na matagal ang inabot: mula sa limang anyos hanggang sa 15, ito ay para maging sideline ko, at humantong ito sa kasiphayuan.

4:13 Pero ang totoo'y mayroong isang bagay na totoong may realidad sa aking buhay na nangyari noong ako ay mga 14. At ito'y natuklasan na ang kapatid kong lalaki, noong 1967, at sumunod ang aking ama, pagkaraan ng anim na buwan, ay mayroon tumor sa utak. Ang paniwala ng nanay ko ay may hindi mabuting nangyari, at tutuklasin niya kung ano iyon. At aayusin niya. Isang ministrong Baptist ang ama ko, at naniniwala siya sa milagro, at ang kagustuhan ng Diyos ay ang mag-aalaga doon. Pero namatay din sila, anim na buwan ang pagitan. At pagkatapos noon, naniwala ang ina ko na kapalaran iyon, o mga sumpa – ginalugad ang buong mundo para sa dahilan kung bakit kailangang mangyari ito. Lahat liban sa ala-suwerte. Hindi siya naniniwala sa ala-suwerte. May dahilan ang lahat. At isa sa mga dahilan, sa isip niya, ay dahil sa ang kayang ina, na namatay noong bata pa siya, ay galit sa kanya. Kaya't nasa aking isip ang kamatayan ng lahat ng nasa paligid ko dahil sa ang ina ko ay naniniwala na ako ang susunod, at siya ang susunod. At kapag napaharap ka sa posibilidad ng nalalapit na kamatayan, sinisimulan mong pag-isipan ang lahat. Nagiging malikhain ka, para mabuhay.

5:26 At ito, kung gayon, ang nagbunsod sa malalaking tanong. Ito ang mga tanong na nasa harap ko ngayon. Tulad ng: Bakit nangyayari ang mga pangyayari, at paano nangyayari ang mga pangyayari? At ang itinanong ng aking ina: Paano ako makagagawa ng mga pangyayari? Isang magandang paraan ng pagtingin sa mga tanong na ito, kapag sumusulat ka ng kuwento. Sapagka't sa kabila ng lahat, sa gayong framework, sa pagitan ng unang pahina at 300, sasagutin mo ang tanong kung bakit at paano nangyayari ang mga pangyayari, ang sunuran ng mga pangyayari. Ano ang mga impluwensya? Paano ako, bilang siyang tagapagsalaysay, bilang siyang manunulat, nakakaimpluwensya (sa mga pangyayari)? At isa ring ito sa mga tanong ng marami sa ating mga syentipiko. Isang uri ng cosmology, at kailangang kong humubog ng cosmology ng aking sariling sansinukob [universe], bilang manlilikha ng nasabing sansinukob.

6:19 At makikita mo, maraming urong at sulong sa pagtatangkang maisakatuparan, masuri – magbibilang ng maraming taon, kadalasan. Kaya't kapag tinitingnan ko ang pagkamalikhain, naiisip ko rin na ito ay ang di-kakayahang pigilin ko ang paghanap ko ng mga ugnayan sa halos kahit anong bagay sa buhay. At marami akong napulot sa mga nangyayari dito ngayon sa buong konperensya, sa halos lahat ng nagaganap.

6:50 Kung kaya, gagamitin ko, bilang metapora, ang ugnayang ito: ang quantum mechanics, na hindi ko talagang naiintindihan, pero gagamitin ko pa rin ito bilang isang paraan para ipaliwanag kung bakit ito ang metapora. Sa quantum mechanics, gaya ng alam na natin, mayroon dark energy at dark matter. Katulad din ito ng pagtingin sa tanong kung bakit nangyayari ang mga pangyayari. Maraming hindi alam, at madalas ay hindi mo alam kung ano ito liban na lang ang kawalan nito. Pero kapag binuo mo ang mga ugnayan, gusto mong magkatugma sila sa isang uri ng synergy sa kuwento, at ang nakikita mo ang may katuturan. Ang kahulugan. Ito ang hinahanap ko sa aking mga gawa, isang pansariling kahulugan.

7:35 Nariyan din ang uncertainty principle, na bahagi ng quantum mechanics, sa pagkakaintindi ko. (Tawanan) At patuloy itong nangyayari sa pagsulat. At nariyan ang terible at kinatatakutang observer effect, na kung ano'y sinusuri mo ang isang bagay, at alam mo na, sabay-sabay na nangyayari ang mga bagay, at tinitingnan mo ito sa kakaibang paraan, at talagang pinipilit mong makita ang ka-"tungkol"-an. O kung tungkol saan ang kuwento. At kung sobra ang pagpipilit mo, masusulat mo lang ang tungkol. Hindi ka makakatuklas ng kahit ano. Ang dapat sanang matagpuan mo, ang inaasahan mong matagpuan, sa isang mala-suwerteng paraan, ay wala na doon. Ngayon, hindi ko naman gustong hindi-pansinin ang kabila ng mga pangyayari sa ating universe. tulad ng marami sa ating mga siyentipiko. Kung kaya't gusto ko rin isama rito ang string theory, at sabihin na lang na ang mga taong malikhain ay multi-dimensional, at mayroon labing-isang antas, sa isip ko, ng kagulumihaman. (Tawanan) At nangyayari sila nang sabay-saby.

8:40 Nariyan din ang malaking tanong tungkol sa alinlangan [ambiguity]. At iuugnay ko ito sa tinatawag na cosmological constant. Hindi mo alam kung ano ang nangyayari doon, pero may nangyayari doon. At ang alinlangan, para sa akin, ay napaka-di-komportable sa aking buhay, at taglay ko ito. Alinlangang moralidad. Laging naroroon ito. At isang halimbawa na lang, isa itong kailan lang ay dumating sa akin. Isang bagay ito na nabasa ko na editoryal ng isang babae tungkol sa giyera sa Iraq. Sinabi niya, "Iligtas mo ang isang tao sa pagkalunod, mananagot ka sa kanya sa buong buhay." Isang tanyag na kasabihan sa Tsino, sabi niya. At ang ibig sabihin nito dahil sa nagpunta tayo sa Iraq, dapat tayong manatili doon hanggang sa malutas ang mga bagay-bagay. Alam mo na, kahit baka mga 100ng taon. Meron pang isang nadaanan ko at ito ang "iligtas ang mga isda sa pagkalunod." Ito ang sinasabi ng mga mangingisdang Buddhist, dahil sa hindi sila dapat pumatay ng kahit ano. Kailangan din nilang mabuhay, at ang mga tao ay kailangang kumain. Kung kaya ang pangngangatwiran nila ay iligtas ang mga isda sa pagkalunod. at sa kasawiang-palad, habang inililigtas sa pagkalunod, namamatay ang mga isda.

9:48 Ngayon ano ang nakatiim sa dalawang talinghaga sa pagkalunod – ang totoo, isa sa kanila ay interpretasyon ng aking ina, at isang tanyag na kasabihan ito sa Tsino dahil sa sinabi niya ito sa akin: "Iligtas mo ang isang tao sa pagkalunod, mananagot ka sa kanya sa buong buhay." At ito ay isang babala – huwag kang makisangkot sa buhay ng iba, o baka ka lang maipit. OK. Kung talagang may nalulunod, ililigtas niya siya. Pero ang mga kasabihang ito, iligtas ang isda sa pagkalunod, o iligtas ang isang tao sa pagkalunod, sa akin ay may kinalaman sila sa intensyon.

10:20 At lahat ng tao, kapag nakakita tayo ng isang sitwasyon, mayoon tayong gagawin. At mayroon tayong mga intensyon. May alinlangan kung ano nga iyon na dapat nating gawin, at pagkatapos ay ginagawa nga natin ito. At ang resulta ay maaaring hindi tugma sa ating intensyon. Siguro may masamang pangyayari. Kaya, pagkatapos noon, ano ang ating mga responsibilidad? Ano ang dapat nating gawin? Mananatili ba tayo habang buhay, o babaling tayo sa ibang bagay at mangangatwiran at sasabihing mabuti ang ating intensyon, kaya hindi ako masasabing mananagot sa lahat? Ito ang alinlangan sa aking buhay na gumulo sa aking isip, at siyang nagsulong sa akin na sulatin ang librong "Saving Fish From Drowning."

11:05 Nakakita ako ng maraming halimbawa, nang luminaw sa aking isip ang tanong. Ang dami sa ating paligid. Nakakuha ako ng mga higing sa lahat ng bagay. Kung sa bagay, alam ko na lagi silang naroroon. At ang pagsulat, ito ang nangyayari. Nakakukuha ako ng mga higing, ng mga pahaging, at naliho ko na madali silang mapansin, pero hindi rin. At ang kailangan ko, sa katuusan, ay pokus. At nang makuha ko ang tanong, ito ay pokus. At lahat ng mga bagay na ito na parang mga bagay na itinapong kuyagot sa buhay ay dumaraan sa tanong na iyon, at ang nangyayari ay ang mga bagay na iyon ay may kaugnayan. At parang laging nangyayari ito. Iisipin mong nagkakataon lang, isang serendipity, na kung saa'y nakakakuha ka ng tulong mula sa sangkalawakan. At maaari ring ipaliwanag ngayon at may pocus ka na. At napapansin mo ito lagi.

11:58 Pero ginagawa mo ito. Nagsisimula kang tumingin sa mga bagay na may kaugnayan sa kabanatan "tension". Ang kapatid mo, na napasok sa gulo, aalaagan mo ba siya? Bakit o bakit hindi? Maaaring ito ay isang bagay na totoong seryoso. – gaya ng sinabi ko, karapatan ng tao sa Burma. Iniisip ko na hindi ako dapat pumunta dahil sa may nagsabi na kung gagawin ko iyon, lilitaw na pumapayag ako sa rehimong militar doon. Di naglaon, tinanong ko ang aking sarili, "Bakit natin tinatanggap ang kaalaman, bakit natin tinatanggap ang mga palagay na ibinibigay ng ibang tao sa atin?" Katulad din ito ng naramdaman ko nang lumalaki ako, nang naririnig ko ang mga tuntuning ng gawang moral mula sa aking ama, na isang ministrong Baptist. Kaya ipinasiya kong pumunta sa Burma bilang sariling intensyon, at hindi ko pa rin alam na kung pumunta ako doon, ano ang resulta niyon kung susulat ako ng libro – at saka ko na lang haharapin iyon, pagdating ng panahon.

12:56 Lahat tayo ay nag-aalaala sa mga bagay na nakikita natin sa mundo. Dumarating tayo sa puntong ito at sasabihin, ano bilang isang indibidwal ang ginagawa ko? Hindi lahat sa atin ay makapupunta sa Africa, o magkapagtatrabaho sa mga ospital, kaya ano ang gagawin natin kung mayroon tayong kasagutang moral, ang damdaming ito? Isa pa, sa aking palagay isa sa malalaking bagay na tinitingnan natin, at pinag-usapan natin ngayon, ay genocide. Na tumutungo sa tanong, kapag tintingnan ko ang mga bagay na ito na alinlangan ang moralidad at di-komportable, at iniisip ko ang dapat kong mga intensyon, naliliho ko na bumabalik sa tanong identidad noong bata pa ako – at bakit ako naririto, at ano ang kahulugan ng aking buhay, at ano ang lugar ko sa sangkalawakan?

13:43 Parang lantad, pero hindi. Muhi tayo lahat sa alinlangang moralidad sa isang pag-iisip, pero kailangang-kailangan din ito. Sa pagsulat ng isang kuwento, ito ang lugar na pinagsisimulan ko. Kung minsan'y parang nakakakuha ako ng tulong mula sa sangkalawakan. Sasabihin ng ina ko na ito ang multo ng aking lola mula pa sa kauna-unahang libro, dahil sa parang may mga alam ako na hindi ko dapat na alam. Sa halip na isulat na ang lola ko ay aksidenteng namatay, mula sa sobrang opium habang nagpapasasa sa magandang buhay, isinulat ko sa kuwento na nagpakamatay siya, at gayon nga ang tunay na nangyari. Ipinasiya ng aking ina na ang impormasyon ay galing sa aking lola.

14:27 May mga bagay pa, totoong di-kapani-paniwala, na nagdadala ng impormasyon na tumutulong sa akin sa pagsulat ng libro. Sa halimbawang ito, sumusulat ako ng kuwento na may isang uri ng detalye, isang panahon sa kasaysayan, isang lokasyon. At kinailangan kong makakita ng isang makasaysayang katumbas. Kinuha ko ang isang libro, at ako'y – ang unang pahina na nabuksan ko ay siyang-siyang tagpo, at ang panahon. At ang tauhang kinakailangan ko ay ang himagsikang Taiping, na nangyari sa isang lugar na malapit sa Qualin, sa may labas nito, at isang tauhan na nag-akalang siya'y anak ng Diyos.

15:01 Maitatanong mo, nagkataon lang kaya ang mga pangyayaring ito? E, ano ang ala-suwerte? Ano ang nagkataon? Ano ang suwerte? Anong mga bagay ang nakukuha mo sa sangkalawakan na hindi mo talagang maipapaliwanag? Kasama rin iyan sa kuwento. May mga bagay na lagi kong iniisip araw-araw. Lalo na kung may mga mabubuting bagay na nangyayari, at lalung-lalo na kung may masasamang bagay na nangyayari. Pero hindi ko iniisip na mayroong serendipity dito, at gusto ko talagang malaman kung ano ang mga elementong iyon, para mapasalamatan ko sila, at isa pa'y mahanap ko sila sa aking buhay. Sapagka't, minsan pa, iniisip ko na kung damdam ko sila, lalo pang madalas mangyayari.

15:37 Isa pang nagkataon pangyayari ay nang pumunta ako sa isang lugar – kasama ko lang ang ilang kaibigan, at nag-drive kami sa kung saan-saan at sa iba't ibang lugar, at humantong kami sa isang lugar na hindi pangturista, isang magandang nayon, hindi pa nasasaling. At lumakad kami hanggang sa tatlong lambak [valley], at sa pangatlong lambak, mayroon parang mahiwaga at nagbabanta ng masama, isang di-mabuting pakiramdan na nadama ko. At noon naisip ko na iyon ang kailangang tagpuan ng aking libro. At sa pagsulat ng isa sa mga senaryo, nangyari ito sa pangatlong lambak. Sa kung anong dahilan sumulat ako ng tungkol sa mga palatandaan – isang tumpok ng mga bato – na itinatayo ng isang tao. At hindi ko alam kung ano talaga ang mayroon ako, pero napakalinaw sa isip ito. Na-stuck ako, at isang kaibigan, nang tanungin niya kung gusto kong sumama habang ipinapasyal ang kanyang aso, na sinabi ko, sige. Pagkalipas ng 45 minuto, habang naglalakad sa aplaya, may nakita ako. Isang lalaki, isang lalaking Tsino, at may pinagpapatong-patong siya, hindi ginagamitan ng pandikit, o ng ano pa man. Itinanong ko sa kanya kung paano nagagawa ito? At sinabi niya, ah, palagay ko, tulad ng lahat sa buhay, may lugar ng katimbangan. At iyon ang kahulugan ng aking kuwento sa puntong iyon. Marami akong halimbawa – marami akong mga pagkakataong tulad nito kapag sumusulat ako ng kuwento, na hindi ko maipapaliwanag. Dahil kaya sa mayroon akong salaan kung kaya't mayroon akong malakas na pagkakataunan [coincidence] sa pagsulat ko tungkol sa mga ito? O isang serendipity ito na hindi kayang ipaliwanag, tulad ng cosmological constant?

17:05 Isa pa ring malaking bagay na naiisip ko ang tungkol sa mga aksidente. Gaya ng nasabi ko, ang ina ko ay hindi naniniwala sa sapalaran. Ano ang kalikasan ng mga aksidente? Paano natin itatakda ang responsibilidad at ang mga dahilan, sa labas ng korte ng batas? Nasaksikan ko ito nang malapitan, nang pumasyal ako sa magandang pook na Dong, sa Guizhou, and pinakanaghihikahos na probinsya sa Tsina. At nakita ko itong magandang lugar na ito. Alam kong gusto kong bumalik. Nagkaroon ako ng pagkakataon nang tinanong ng National Geographic kung gusto kong sumulat ng kahit ano tungkol sa Tsina. Sabi ko oo, tungkol sa baryong ito ng Kumakantang mga tao, Kumakantang minoridad. Pumayag sila, at sa pagitan ng panahong una kong nakita ang lugar at ng sumunod na lakad ko doon, nagkaroon ng isang malagim na aksidente. Isang tao, isang matandang lalaki, ang nakatulog, at ang kanyang kumot ay bumagsak sa planggana ng apoy na nagpapainit sa kaniya. 60ng tahanan ang natupok, at 40 ang nasira. Ang responsibilidad ay ibinigay sa pamilya. Pinalayas ang mga anak na lalaki para mamahay sa ilang kilometro ang layo, sa pahingahan ng mga baka. At syempre, bilang mga taga-Kanluran, sasabihin natin, "Aba, aksidente iyon. Hindi tama ito. Anak ito, hindi ang ama."

18:11 At kapag nagkukuwento ako, kailagang pawalan ko ang mga gayong paniniwala. Matagal-tagal din, pero kailangang pawalan ko at pumunta ako doon, at mamalagi doon. Naroon ako maka-itlo, iba-ibang panahon. Naramdaman ko na may kakaiba sa kasaysayan at sa nangyari bago pa, at ang uri ng pamumuhay sa isang mahirap na baryo, at ang natutuklasan mong mga galak, at ang mga nakagawian mo, ang mga tradisyon mo, ang mga relasyon mo sa ibang angkan. At nakita ko kung paano ito ay may isang uri ng hustisya sa kanyang responsibilidad. Natuklasan ko rin ang seremonya na kanilang ginagamit, isang seremonya na hindi ginamit sa loob ng 29 na taon. At ito ang magpadala ng ilang lalaki – isang guro sa Feng Shui ang magpapadala sa mga tao na nakasakay sa mga kabayong multo sa ilalim ng mundo. Ngayon, kayo na Kanluranin, at ako, na Kanluranin, ay magsasabing ah, pamahiin lang iyon. Pero pagkatapos tumira doon nang matagal-tagal, at pagkasaksi sa mga kagila-gilas na pangyayari, magsisimula kang mag-isip kung kaninong paniniwala ang siyang nagpapatakbo sa mundo, na nagtatakda ng mga pangyayari.

19:19 Kaya't nanatili ako sa kanila, at habang sinusulat ko ang kwento, lalo akong napapadiin sa paniniwala nila, at naiisip ko na mahalaga sa akin iyon – na tanggapin ang mga paniniwala, dahil sa naroon ang katalagahan ng kuwento, at doon ko makikita ang mga sagot tungkol sa nararamdaman ko tungkol sa ilang tanong sa aking buhay. Nagdaan ang mga taon, at siyempre, ang pagsulat, hindi ito nangyayari sa isang iglap, na ipinatatalastas ko sa inyo dito sa TED. Ang libro ay dumarating at umaalis. Pagdating nito, hindi ko na libro ito. Nasa kamay na ng mga mambabasa, at bibigyan nila ito ng iba-ibang interpetasyon. Pero babalik ako sa tanong, paano ako lumilikha mula sa wala? Paano ko nililikha ang sarili kong buhay?

20:01 Naiisip ko na sa pagtatanong, at pagsasabi sa sarili na walang katotohanan na lubos. Naniniwala ako sa mga partikular, ang mga partikular ng kuwento, at ang lumipas, ang mga partikular ng lumipas, at ang nangyayari sa kuwento sa puntong iyon. Naniniwala din ako na sa paglilimi tungkol sa mga bagay-bagay, sa pag-iisip ko tungkol sa suwerte, sa tadhana, sa nagkakataon at aksidente, kalooban ng Diyos, at ang pagkakaisa ng mga mahihiwagang puwersa, darating sa akin ang pagkaunawa kung ano iyan, kung paano tayo lumilikha. Kailangang isipin ko ang aking ginagampanan. Kung nasaan ako sa sangkalawakan, at kung mayroon nag-intensyon na gayon ang kalagayan ko, o isang bagay ito na dala ko sa aking sarili? At nakita ko rin ito sa pamamagitan ng ganap na imahinasyon, at ang pagiging ang bagay na nilikha ng isip, na nasa tunay na mundo, ang mundo ng kathang-isip. Ganito kung paano ako nakakakita ng mga mga butil ng katotohanan, hindi ang tiyak ng katotohanan, o ang buong katotohanan. Kailangan naroon sila sa lahat ng posibilidad, kasama na iyong mga hindi ko pa naiisip.

21:09 Kaya't walang ganap na sagot. O kaya naman, kung may sagot, ito ang paalalahanan ang sarili ko na may di-katiyakan ang lahat, na mabuti naman. Sapagka't noon makakatuklas ako ng bago. At kung may sagot na di-lubos, isang may kalubusang sagot mula sa akin, ang maggunam-gunam. At ang maggunam-gunam ay ilagay ang aking sarili sa kuwento, hanggang sa matira na lang – walang balakid ang sinag sa pagitan ko at ang kuwentong nililikha.

21:43 Gayun ko natuklasan na kung nararamdaman ko ang nasa kuwento – sa isang kuwento – saka ako lalong nalalapit, sa aking palagay, na maunawaan kung ano ang pagkahabag [compassion], na madama ang kahabagan. Dahil sa ang lahat, sa tanong na kung paano nangyayari ang lahat, natutungkol ito sa damdamin. Kailangan ko ang maging ang kuwento para maunawaan ko ang marami sa mga iyan. Nakarating na tayo sa katapusan ng panayam, at ibubunya ko ang nasa bag, at ito ang musa ["muse"], at ito ang mga bagay na nagbabago ng anyo ng ating buhay, na kamangha-mangha at nananatili sa atin. Hayon siya. Maraming salamat! (Palakpakan)